Bago naging King of Talk, Boy Abunda minsang natulog sa Luneta

Imahe mula sa Facebook | Boy Abunda
  • Maraming trabaho ang pinasok ni Boy Abunda bago siya nakilala sa entertainment industry
  • Naranasan niyang matulog sa Luneta, magtinda ng encyclopedia, at magtrabaho sa restaurant upang kumita
  • Ngayon ay masaya siya dahil nakamit niya ang kaniyang ultimate dream — ang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang nanay

Kilala ngayon bilang respetado at mahusay na host si Boy Abunda ngunit lingid sa kaalaman ng ilan ay marami siyang pagsubok na sinuong bago naging “King of Talk.”

Imahe mula sa video ni Bo Sanchez via Facebook

Sa isang episode ng “Full Tank” ni Bro. Bo Sanchez ay inamin ni Boy na mahirap ang kanilang buhay. Isang public school teacher ang kaniyang ina habang ang kaniyang ama naman ay nagtatrabaho bilang isang bus conductor.

Gayunpaman ay hindi niya raw ito alintana dahil naging masaya ang kaniyang pagkabata. “Mahirap ang buhay pero there was no other life I knew. I didn’t learn to complain, I didn’t learn how to whine,” saad niya.

Sa katunayan ay unang beses niya raw nakakita ng television set nang magpunta siya sa Maynila upang magkolehiyo.

Habang nag-aaral ay nakikitira noon si Boy sa kaniyang  mga kamag-anak, ngunit aminado siyang kung minsan ay nakararamdam siya ng hiya sa mga ito.

“They were very kind. Pero alam mo, Bro. Bo ‘yong ‘pag nakikitira ka, alam mong may hiya ka eh. ‘Yong hindi ka puwedeng una kumain hanggang hindi pa nakakain lahat ng anak. Tutulong ka sa gawaing bahay dahil kailangan, kahit may review ka.”

Imahe mula sa Facebook | Boy Abunda

Nagpalipat-lipat siya sa bahay ng kaniyang mga kamag-anak hanggang sa isang araw ay nagdesisyon siyang sa Luneta muna mamalagi kasama ang mga kaibigan mula sa Samar upang makabawas sa intindihin nila.

“Halimbawa, apat kami o lima. ‘Yong isa, hindi natutulog tapos natutulog ‘yong apat. ‘Pag lahat kami sabay-sabay, baka wala na kaming mga tsinelas paggising namin. Hindi naman months but for weeks, I stayed there and started to look for jobs,” pagbabahagi niya.

Sa kaniyang pagsisikap ay nakamit din ni Boy ang kaniyang pangarap – ang mabigyan ng magandang buhay ang kaniyang ina.

“One of my oldest friends told me once, ‘Did you know that when we were young, very often you were so annoying. Kasi lahat na lang sinubukan mo, lahat na lang sumasama ka.’ I must have been really annoying because I was in search of I don’t know what it was. I wanted a better life for my mother — that was my ambition.”

Panoorin ang buong video:

Source :

Facebook

Loading…