Bagong larawan ni Jerry Yan, 43, na nakilala bilang Dao Ming Si, “cuteness overload” pa rin

Images via Fc Jerry Yan (F4)’s Facebook page | Image by Kapamilya Online World via Facebook
  • Mga bagong larawan ni Jerry Yan, romantic excitement ang dala sa maraming tagahanga
  • May mga nagtatanong kung single pa ba ang guwapong aktor, at ang iba nama’y napasabi ng ‘masarap’ pa rin ito
  • Muling mapapanood si Jerry sa Pilipinas sa pamamagitan ng Tagalized version ng Count Your Lucky Stars

Bumabaha ng romantic excitement ang pakiramdam ng maraming netizens makaraang masilayan ang mga bagong larawan ng Taiwanese actor na si Jerry Yan. Kahit 43-taong-gulang na kasi si Jerry ay kakilig-kilig pa rin ang kaguwapuhan at appeal nito.

Image by Kapamilya Online World via Facebook

“Are you still single?” ang komento ng isang dalaga na sinegundahan pa ng isa ng “Ampogi mo talaga Jerry Yan” na may heart emoji pa.

“Ang cute ng smile,” saad naman ng iba. “Di pa rin nagbabago si idol. Cuteness overload pa rin!” at “Sarap pa din” ang iba pang reaksyon.

Naibahagi ang mga photos sa FB page na Kapamilya Online World kung saan nabanggit na muling mapapanood ang aktor sa Philippine TV via Tagalized (dubbed) version ng Count Your Lucky Stars.

Ginagampanan dito ni Jerry ang papel ni Lu Xing Cheng na kilala sa industriya ng fashion at on-top of his game sapagkat sunod-sunod ang suwerteng nararanasan. Makikilala niya si Tong Xiao Yu na hindi kilalang fashion designer at palaging minamalas; pero nang magkakilala sila’y nagkapalit ng kapalaran, at si Xing Cheng naman ang minalas.

Nakilala ang Taiwanese actor dito sa Pilipinas dahil sa mahusay niyang pagganap sa papel na Dao Ming Si sa seryeng Meteor Garden na makailang beses nang ipinalabas sa ABS-CBN at talaga namang palaging pinapanood ng maraming mamamayan.

Images via Fc Jerry Yan (F4)’s Facebook page

Sa ngayon ay isa pa rin siya sa pinakabantog na international stars sa bansa at napapanatili ang maraming tagahanga. 24 lamang ang edad niya noong ginawa ang Meteor Garden at bago pa lamang sa karera.

New hairstyle of Meteor Garden’s ‘Pineapple head’ Jerry Yan wows netizens

Noong nakaraang taon din ay nag-trending ang K-poppish red hair ni Jerry na talaga namang nagustuhan ng mga tagahanga. “This guy never age,” ang sabi ng isa.

Image via zaobao.sg’s YouTube account

Loading…