Bahagi ng Pasig River sa Maynila natabunan na sa sobrang dami ng water hyacinth

Imahe kuha ni Danny Pata ng GMA News Online
  • Sobrang kapal ng water hyacinth sa Pasig River malapit sa bunganga ng Manila Bay nakunan ng larawan
  • Halos hindi na makita ang tubig ng Pasig River dahil sa dami ng mga water hyacinth na nakalatag sa ibabaw ng ilog
  • Nakasasagabal ang mga water hyacinth sa dumaraang maliliit na bangka at nakaaapekto sa mga isda

Halos hindi na makita ang tubig ng Pasig River sa bahagi nito sa Lungsod ng Maynila malapit sa bunganga ng Manila Bay dahil sa napakakapal na water hyacinth na nakalatag na parang carpet sa ibabaw ng ilog.

Imahe mula sa GMA

Dahil madalas na ang pag-ulan ay talagang inaasahan na ang mabilis na pagdami ng water hyacinth na itinuturing na invasive aquatic plant o may dalang perwisyo dahil nakasasagabal ito sa dumaraang maliliit na mga bangka dahil sumasabit ang halaman sa propeller. Minsan, ang kapal ng water hyacinth sa ibabaw ng tubig ay umaabot ng isang metro ang taas.

Nakaaapekto rin ito sa mga isda dahil nababawasan ang oxygen ng tubig sa ilog. Nakaaabala rin ang makapal na water hyacinth sa pangingisda.

Ang mga water hyacinth Sa Pasig River ay nanggagaling pa sa Laguna de Bay o Laguna Lake na ang water level ay tumataas kapag panahon ng tag-ulan.

Ang pagdami ng water hyacinth sa Pasig River ay palatandaan na ang lebel ng tubig sa Laguna Lake ay mas mataas kaysa sa water level ng Manila Bay. Ang ilog kasi ang nagkonekta sa lawa ng Laguna at Manila Bay.

Imahe mula sa Development Academy of the Philippines

Sinabi noon ni Jamella de Castro, science research specialist ng Department of Environment and Natural Resources-Ecosystems Research and Development Bureau, an gang pagdami ng water hyacinth ay resulta ng lumalalang water pollution dahil sa direktang pagtatapon ng mga basura at maruruming tubig sa ilog.

“Water hyacinths thrive in water with poor quality,” aniya sa isang conference na ginawa noong nakaraang taon.

Source :

GMA Network, PNA

Loading…