Baka mapagtripan! Matandang maglalako ng tsitsaron naispatang natutulog sa gilid

Image by Pepe News | Elizabeth Tan via Facebook
  • Lolo pursigido pa rin sa paglalako ng tsitsaron at iba pang makakain kahit dis-oras na ng gabi
  • Dahil siguro sa pagod at may-edad na rin, natulog siya sa gilid
  • Naawa ang mga netizens sa kanya

Maraming mamamayan ang patuloy na nagpupursigi sa katatrabaho kahit na ngayong panahon ng pandemya. Ito’y para makapaghain ng pagkain at mabigyan ng magandang kinabukasan ang pamilya. Pero papaano ang mga may edad na pero nagtatrabaho pa rin at sa dis-oras ng gabi pa?

Image by Pepe News | Elizabeth Tan via Facebook

Naawa ang mga netizens sa larawan ng isang may-edad nang maglalako ng tsitsaron, balot at iba pang makakain. Mukha kasing pagod na pagod na ang lolo kaya’t napagdesisyunan na lamang nitong matulog sa gilid.

Ayon kay Elizabeth Tan na siyang nakasaksi sa pangyayari, nakita niyang natutulog ang matanda dakong ala-una ng umaga sa habang-daan (along) Pritil Tsoko papuntang Trinidad.

Aniya, “Grabe, ako, naawa noong nag-deliver ako around Pritil Tsoko pa-Trinidad, 1 AM. Nakita ko si tatay na natutulog sa gilid, pagod na pagod kakalako ng tinda n’ya para sa pamilya n’ya. Naawa ako ng sobra kasi baka mamaya pagtripan siya.”

Hinikayat nito ang mga nakakakita sa matanda na bumili rito para naman makatulong.

“Kaya suwerte pa rin tayo kung anong meron tayo, sana matulungan si tatay sa pamamagitan ng pagbili sa kanya. Salamat po.”

Nag-trending ang pangyayari makaraan itong maibahagi sa Facebook page na Pepe News Official. Marami ang nag-tag sa social media accounts ng mga programang Kapuso Mo, Jessica Soho at Raffy Tulfo in Action.

Image by Pepe News | Elizabeth Tan via Facebook

Komento ng isa, “God will bless him, god never sleeps, may kasabihan nga, “Kung naghihirap ka sa mundong ito, for sure, sa ibang buhay, marangya ka pa sa marangya.”

Nawa’y makapukaw pa ng mas maraming atensyon ang kalagayan ng pobreng maglalako at nang matulungan siya kasama ang kanyang pamilya. Hindi na mainam sa kanyang edad ang magpuyat pa.

Image by Pepe News via Facebook
Source :

Facebook

Loading…