Banana trunk, puwede palang gawing masarap na chicharon?

Image by Agusan Del Sur Tourist Spot Fan's Page via Facebook
  • Mga Pinoy, tuloy ang paghahanap ng makakain sa paligid sa gitna ng pandemya
  • Banana trunk, puwede palang gawing masarap na tsitsaron
  • Marami ang nagsabing posible ito yamang kinakain talaga ang ubod ng saging

Habang tayo’y nakararanas ng pandemya, marami ang gumagawa ng paraan para gawing pagkain ang mga nasa paligid. Nag-trending kamakailan ang larawan ng banana trunk na ginagawa umanong chicharon. Posible pala ito?

Image by Agusan Del Sur Tourist Spot Fan’s Page via Facebook

Sa mga larawang naibahagi mula sa FB page na Agusan Del Sur Tourist Spot Fan’s Page ay makikita ang mga banana trunks na inilagay sa likurang parte ng isang sasakyan para dalhin sa processing facility.

Ipi-peel daw ang trunk at ipoproseso hanggang sa maiwan ang white edible objects. Ang nasa loob nito na kilala sa tawag na “ubod” ang siyang kukunin, hihiwain sa maliliit na piraso at idi-deep fry para maging malulutong na chicharon saka ilalagay sa plastic bag para maibenta.

Habang ibinabahagi ito ay nakalikom na ng 627 shares.  May mga nagsabing posible raw ito yamang kinakain naman talaga ang ubod ng saging.

Komento ng isa, “Masarap nga ‘yan sa mongo na may sotanghon, tapos sardinas sahog. Nakatikim na’ko n’yan noong pumunta ako sa piyestahan.” Saad ng isa pa, “Kinakain po talaga ‘yung pinaka-gitna niyan at napakasarap.”

May nagsabi naman ng, “Totoong kinakain ‘yan. Maraming gamit ang puwedeng gawin sa mga puno ng saging gaya ng pagkain ng baboy at higit sa lahat puwedeng isahog sa kahit anong karne. Probinsyano kasi ako kaya sa hindi pa nakatikim na mga Pinoy diyan, ‘wag ninyong mamasamain ang gaya naming kumakain ng ganyan.”

Image by Agusan Del Sur Tourist Spot Fan’s Page via Facebook

Isa pang komento, “Kinakain naman talaga ang puno ng saging. Masarap kaya ‘yan lagyan ng mongo na may native chicken.”

Ano ang masasabi ninyo dito? Baka pupuwedeng mag-experiment at i-share naman kung ano ang lasa. Mag-tag na ng friends sa FB at subukang gumawa nito.

Image by Agusan Del Sur Tourist Spot Fan’s Page via Facebook

Loading…