Baron Geisler nagpatala upang maging military reservist

  • Nagpatala si Baron Geisler bilang military reservist
  • Pinili niya ang sangay na Philippine Navy
  • Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens

Ipinahayag ng kontrobersyal na aktor na si Baron Geisler ang kaniyang pagpapatala bilang military reservist sa Philippine Navy, bagay na ipinagpapasalamat niya sa Diyos.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang larawan kasama ang ilang mga Navy officers na malugod namang tumanggap sa kaniyang aplikasyon.

iImahe mula sa Instagram account ni Baron Geisler

“My day was such a blessing. Thank you, Abba Father for leading and guiding me to the right path. My life is purposed to serve YOU and the people I meet on this journey. Thank you for protecting me and my family. I love You!” ayon sa kaniyang caption.

Umani naman ito ng positibong reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“Ituloy-tuloy mo lang yan Baron tutulungan ka ng tropa i-guide ka nila. Hindi ka nagkamali sa desisyon mo tama ang course na pupuntahan mo,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Wow, proud here, nag-goose bumps ako, and I’m tearful kasi from day 1 I believe in you, marami ka pa ibubuga. I am happy tuloy-tuloy na journey mo to a better person. More power to come! May God continue to guide and bless you,” mula naman sa kaniyang masugid na tagahanga.

“After too many second chances, I hope that you make good on this one and move forward to a better version of yourself. God is good. God bless you,” pahayag naman ng isa.

Saad naman ng isa, “People who wanted to change for the better deserve chances. After the rough path, I hope he already found peace.”

Imahe mula sa Instagram account ni Baron Geisler

Si Baron Geisler ay nagsimula bilang isang child at teen star sa ABS-CBN. Isa sa mga tumatak na proyekto niya ay ang “Tabing Ilog” kasama sina John Lloyd Cruz, Kaye Abad, Patrick Garcia, Paulo Contis, Paula Peralejo, at Jodi Sta. Maria.

Nasangkot si Baron sa iba’t ibang kontrobersiya, subalit nitong 2019, inihayag niya na siya ay nagbabagong-buhay na. Sa katunayan, kumuha siya ng AB Theology na modular course. Nitong 2020 ay lumagay na rin sa tahimik ang aktor at biniyayaan na sila ng supling.

Loading…