Batang emosyonal dahil “gusto ng totoong teacher” kinaaliwan

  • Kinatuwaan ng mga netizens ang isang batang lalaki
  • Umiiyak kasi ito batay sa video
  • Nais na raw niyang makaharap ang “totoong teacher”

Kaakibat ng “Bagong Normal” ang bagong paraan sa pagtuturo: ito ay ang distance/blended learning kung saan may kalayaan ang mga magulang na mamili kung online class ba o modular ba ang modality ng pagkatuto para sa kanilang mga anak, depende sa availability ng mga kagamitan para dito. Nariyan din naman ang “DepEd TV” kung saan inihahatid ng mga teacher-broadcasters ang mga aralin sa pamamagitan ng programang pantelebisyon.

Kaya naman, nakakapanibago ang lahat ng ito para sa mga batang nasanay na sa paaralan, kahalubilo ang kanilang mga guro at kaklase. Kaugnay dito, kinaaliwan ng mga netizens ang video ng isang batang labis na emosyonal na kumakalat ngayon sa social media, na ibinahagi naman sa Facebook post ng kaniyang inang nagngangalang “Jona.”

Imahe mula sa Facebook account ni Llewoj Anob

Kung panonoorin ang video, makikitang umiiyak ang bata na nagngangalang Jowell, dahil nais daw niya ang “totoong teacher” o maaaring ang kaharap na guro sa loob mismo ng silid-aralan. Mahinahon naman siyang pinatatahan ng kaniyang ina, na ipinaliliwanag sa kaniyang totoong teacher din naman ang kaharap niya sa tuwing may klase sila. Hindi maaaring bumalik sa paaralan hangga’t may COVID-19 pa.

Umani naman ito ng nakaaaliw na reaksyon mula sa mga netizens.

“Nakakatuwa naman si baby boy! Dati, umiiyak ang mga bata kapag nasa school at iniwan ng mga magulang. Ngayon, umiiyak na sila dahil gusto nilang makakita ng ‘totoong teacher’ o yung nayayakap nila o nakakausap nila sa personal. Ang cute!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “Ang cute! Mas maganda talaga kapag personal at pisikal ang mga klase, kasi pakiramdam mo talagang natututo ka.”

“Mag-uniform ka na po Mama,  at para makita niya na GENUINE na teacher ka,” payo naman ng isang netizen.

Panoorin ang naturang video via Facebook:

Source :

Facebook

Loading…