Bawal bingwitin: Abra River bantay-sarado ngayon para mapangalagaan ang President’s fish

Imahe mula sa Ilokano.org
  • Bantay-sarado ngayon ang Abra River sa mga mangingisda upang mapangalagaan ang Ludong
  • Ang taunang closed fishing season sa Abra River ay nagsimula noong October 1 at matatapaos sa November 15, 2020
  • Tinatawag ng mga Ilokano na President’s Fish ang Ludong dahil sa napakamahal nitong presyo na umaabot sa P4,000 hanggang P5,000 kada kilo

Mahigpit na binabantayan ng Provincial Fish Regulatory Office ng Ilocos Sur ang Abra River at ang mga sanga ng ilog na ito para sa taunang implementation ng closed fishing season ng isdang Ludong na nagsimula noong Biyernes, October 1.

Imahe mula sa Provincial Government of Abra

Sinabi ni Benny Saraos, Provincial Fish Regulatory Officer, na ginagawa nila ang mahigpit na pagmo-monitor sa closed fishing season ng Ludong dahil obligasyon nilang ma-preserba ang naturang isda na nanganganib nang malipol.

“We are responsible for strict monitoring of the closed fishing season of the endangered Ludong fish specie because the catch basin of the Abra River is located in Barangay Banaoang in Bantay town, parts of the towns of Caoayan and Santa, and Vigan City, all in Ilocos Sur, “ ani Saraos.

“With the yearly implementation of the closed season, we reaffirm our commitment to protect this rare and valuable fish and to help in replenishing its numbers, thus preserving the beauty and bounty of our rivers for future generations to enjoy,” dagdag pa niya.

Ang pagsasara ng Abra River ay ginawa kasunod ng advisory na inilabas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources hinggil sa pagsisimula ng closed fishing season ng lobed river mullet o Ludong sa naturang ilog at mga sanga nito.

Imahe mula sa BFAR

Ayon sa Bureau Administrative Circular No. 247 series of 2013, kapag closed season ay ipinagbabawal para sa sinumang tao, asosasyon o korporasyon ang mamingwit ng Ludong sa buong buwan ng Oktubre hanggang sa ika-15 ng Nobyembre.

Kilala sa scientific name na Cestraeus plicatilis, ang Ludong ay isang pambihirang isda na matatagpuan lang sa Cagayan River at sa Abra River System sa Northern Luzon.

Tinatawag ng mga Ilokano na President’s Fish ang Ludong dahil sa napakamahal nitong presyo na umaabot sa P4,000 hanggang P5,000 kada kilo.

Imahe mula sa PIA
Source :

PIA, Philstar

Loading…