Bea Alonzo hindi tatanggi sa proyekto kasama si John Lloyd: “I won’t say no” 

Image by John Lloyd Cruz via Instagram
  • Bea Alonzo, hindi umano tatanggi sakaling aluking makatrabahong muli si John Lloyd Cruz
  • Dahil sa tagumpay ng mga proyekto nina Bea at John Lloyd, tinatawag silang “greatest love team on screen”
  • Mas gusto ng aktres na tawagin siyang “soldier of arts” kesa “movie queen

Hindi tatanggi si Bea Alonzo sakaling alukin siyang makatrabahong muli si John Lloyd Cruz basta’t maganda ang materyales at mai-inspire silang mag-collaborate; ‘yan ang nasabi ng aktres sa interview na inihanda ng isang cosmetics and skin care company.

Image by Bea Alonzo via Instagram

Aniya, “I don’t know yet. But if there is a good material for the both of us and if it will inspire us to collaborate again, I won’t say no.”

Patok sa masa ang tambalang Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, pinatutunayan ito ng mga proyekto nilang kagaya ng Kay Tagal Kitang Hinintay, One More Chance, The Second Chance at The Mistress na talaga namang minahal ng masa lalo na ang kanilang Popoy at Basha tandem.

Kaya’t marami ang tumatawag sa kanila bilang “greatest love team on screen” at umaasang maging love team na rin sa totoong buhay.

Bea Alonzo humingi ng treat para sa 37th birthday ni John Lloyd

Pinabulaanan naman nina Bea at John Lloyd ang mga bali-balitang nagkaroon sila ng relasyon noon at sinabing magkaibigan lamang sila.

Image by John Lloyd Cruz via Instagram

Sa kabila ng mga tagumpay sa entertainment industry ay hindi ikinokonsidera ng aktres na nararapat siyang tawaging “movie queen”; bagkus ay bilang “soldier of arts.”

“Cliché as it may sound, I never considered myself a queen. In our generation, there are a lot of queens. There is Angel Locsin, there is Toni (Gonzaga), there is Marian (Rivera), Anne (Curtis), Sarah (Geronimo). I never considered myself as one.”

Hindi rin niya umano ikinokonsidera ang sarili na showbiz royalty lalo pa’t ayaw niya itong tumambay sa utak niya; panghahawakan na lamang niya kung ano ang tunay, kagaya ng frienship at relationships.

Image by Bea Alonzo via Instagra

Loading…