Bea Alonzo “never again” sa pakikipag-relasyon kay Gerald Anderson

Image by Bea Alonzo via Instagram | Image by Gerald Anderson via Instagram
  • Bea Alonzo, “No! Never again” ang tugon sa tanong ng netizen kung nagkakamabutihan ba silang muli ni Gerald Anderson
  • Agad namang binura ng aktes ang naging usapan nila ng social media user
  • Naiuugnay sa ngayon ang pangalan ni Bea sa aktor na si Dominic Roque

Hindi na muling makikipag-relasyon pa si Bea Alonzo kay Gerald Anderson; ito ang naging kasagutan ng pamosong aktres sa tanong ng isa niyang follower sa Instagram kung nagkakamabutihan ba silang muli ng kanyang ex-boyfriend.

Image by Bea Alonzo via Instagram

Naitanong kasi ng tagahanga sa isang post ni Bea ang: “Are u really back to Gerald” na may kalakip pang sad emoji. Sinagot naman ito ng aktres ng “No! Never again.”

Kagyat na binura ni Bea ang kanyang tugon maging ang tanong ng IG follower pero maraming netizen ang nakakuha ng picture ng usapan at agad itong gumawa ng ingay partikular sa mga tagahanga ng dalawang artista.

Matatandaang tumagal din ng nasa tatlong taon ang naging relasyon nina Bea at Gerald subalit naging kontrobersiyal ang kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon.

Sa kanyang vlog na ini-upload sa YouTube ay nasabi ng aktres na malaki ang natutunan niya sa kanyang last relationship na siya umanong lalong nagpalakas sa kanya bilang indibidwal. Saad niya, “That I am stronger than I think. That I am resilient and that I can survive anything in life. And that I am worthy.”

Sa ngayon ay nasa maayos na umano ang kanyang kalagayan at naghahanap ng lalaking “madly in love” sa kanya.

“Okay naman siya, nag-e-entertain siya. Nagde-date siya. Open siya maging masaya.”

Naiuugnay sa ngayon ang pangalan ni Bea sa aktor na si Dominic Roque at makailang beses nang tila nagpapahiwatig ang dalawa sa kanilang relasyon.

Image by Dominic Roque via Instagram

Sa isa ngang IG post ni Dominic na kuha sa bakasyon nila ni Bea sa Japan ay napa-caption ang lalaki ng: “tila ako’y nabighani…” na mayroon pang heart emoji.

Bea Alonzo hindi tatanggi sa proyekto kasama si John Lloyd: “I won’t say no”

Samantala, hindi raw tatanggi ang aktres sakaling alukin siyang makatrabahong muli si John Lloyd Cruz basta maganda ang materyales at mai-inspire silang mag-collaborate.

Aniya, “I don’t know yet. But if there is a good material for the both of us and if it will inspire us to collaborate again, I won’t say no.”

Image by John Lloyd Cruz via Instagram / Image by Bea Alonzo via Instagram

Loading…