Seryoso si baby! Panonood nina Rodjun at little Joaquin ng online mass, nag-trending

Image capture of video by Rodjun Cruz via Instagram
  • Bidyo nina Rodjun Cruz at baby Joaquin habang nanonood ng online mass, nag-trending
  • Makikita kasing seryoso ring nanonood ng misa ang sanggol na tila ba naiintindihan na ang sinasabi ng pari
  • Anang netizen: “Ang cute nag pay attention din sya”

Nag-trending sa social media ang bidyo ng mag-amang Rodjun Cruz at baby Joaquin habang nanonood ng online mass kamakailan; makikita kasing seryoso ring nanonood ang sanggol at tila naiintindihan na ang mga sinasabi ni Fr. Jerry Orbos sa misa.

Image capture of video by Rodjun Cruz via Instagram

Sa bidyo ay karga-karga ng ama ang anak habang nakahiga at nanonood. Caption dito ni Rodjun, “Sunday online Mass w/ @babyjoaquinilustre! Have a blessed sunday everyone.”

Positibo naman ang naging tugon ng mga netizen sa ini-upload ng GMA actor na nakakuha na ng higit 71,000 reaksyon habang ipino-post ito.

Komento ng isa, “Ang cute nag pay attention din sya.” Sabi namang isa pa, “naka focus din si @babyjoaquinilustre hehehe. have a blessed Sunday bro @rodjuncruz”

Matatandaang ipinanganak ni Dianne Medina si baby Joaquin noong September 10, 2020 at ang totoong pangalan ng sanggol ay Rodolfo Joaquin Diego III.

Nanggaling ang Rodolfo sa pangalan ng ama ni Rodjun kaya’t may III sa bahagi ng pangalan ng supling, nangangahulugan ito ng “work and strong.”

“God has established” o “lifted by YahWeh” naman ang ibig sabihin ng Joaquin na Spanish version ng Joachim, at “supplanter” ang meaning ng Diego.

Larawan ni Rodjun na karga-karga si baby Joaquin, nag-trending: “Mahal na mahal Kita, anak ko”

Nag-trending din ang larawan ng “sweet moment” nina Rodjun at anak habang karga-karga ng nauna ang huli na mahimbing na natutulog.

Image by Rodjun Cruz via Facebook

Ani ni Rodjun, “Habang ika’y tulog ako’y gising nakabantay sayo. Mahal na mahal Kita anak ko @babyjoaquinilustre! #Blessed #MyLife #thebestfeelingintheworld #FatherandSon.”

Dito, pinuri ng mga netizens ang kaguwapuhan ng anak: “Baby pa siya pero kita na ang pagka-guwapo niya. Congrats Rodjun and Dianne. God bless you both and your new angel.”

Image by Rodjun Cruz via Facebook

Loading…