Bilang ng kaso ng COVID sa bansa pababa na – UP research team

Imahe mula sa IFRC/RCS
  • Patuloy na bumababa ang bilang ng kaso ng COVID sa bansa, ayon sa UP experts
  • Isa umano itong magandang indikasyon na patungo na tayo sa ‘flattening the curve’
  • Subalit iminungkahi rin ng team na higpitan ang quarantine restrictions sa mga ‘high risk’ na lugar

Patuloy ang pagbaba ng bilang ng kaso ng coronavirus sa bansa ayon sa obserbasyon ng OCTA Research Team ng University of the Philippines (UP), ang grupo ng mga eksperto na nagmomonitor ng virus outbreak sa Pilipinas.

Base sa datos ng OCTA, umaabot na lamang sa 2,500 kada araw ang naitatalang kaso ng COVID sa bansa simula September 29 hanggang October 5. Mas mababa ito kumpara sa 3,200 kada araw na naitala noong September 15 hanggang September 22.

Imahe mula sa DOH

“The number of cases in the Philippines has been decreasing, and currently at less around 2,500 new cases per day,” ayon sa ulat ng research team.

Ang reproduction number (r-naught) naman umano ay nananatili pa rin sa 0.87 o mas mababa sa 1 para sa buong bansa. Ang r-naught ay ginagamit upang bilangin ang posibleng mahawahan ng isang confirmed na kaso ng COVID.

Maging sa Metro Manila, na siyang itinuturing na epicenter ng coronavirus outbreak sa bansa, ay bumaba na rin ang bilang ng kaso kada araw sa 1,000 kumpara sa halos 2,500 noong mga nagdaang linggo. Ang r-naught (0.82) naman sa NCR ay mas mababa rin sa 1.

Isa umano itong magandang indikasyon, ayon sa eksperto, sapagkat ang r-naught na mas mababa sa 1 ay nangangahulugan ng ‘flattened curve’ at nakokontrol na ang local transmission.

Imahe mula sa DOH

“On the way to flattening of the curve na tayo sa NCR, pero sa buong bansa, hanggang may tumataas pa na mga kaso, hindi pa natin masasabi na na-flatten na. Hopefully, macontrol iyan kasi hindi naman ganoon karami yung cases,” ayon kay Professor Guido David ng OCTA.

Gayunpaman, iminumungkahi ng research team na pairalin ang mas mahigpit na quarantine restriction sa mga lugar na itinuturing na ‘high risk’ o yaong patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng virus.

Ito ay kinabibilangan ng Benguet (kabilang ang Baguio City), Davao Del Sur (kabilang ang Davao City), Iloilo (kabilang ang Iloilo City), Misamis Oriental (kabilang ang Cagayan de Oro),Nueva   Ecija, Quezon Province, Pangasinan (kabilang ang Dagupan), Western Samar, at Zamboanga Del Sur (kabilang ang Zamboanga City).

Loading…