Bote ginagawang magagandang obra ng isang lalaki, netizens sobra ang paghanga

Image by Willie Marino via Facebook
  • Filipino artist, ginagawang magagandang artworks ang mga nakokolektang bote
  • Nagagawa ito ni Willie Marino kahit na malabo ang isa niyang mata
  • Bumuhos ang paghanga at orders sa mga gawa ni Willie

Nakabibilib ang mga obra maestra ng artist na si Willie Marino. Nagagawa kasi ni Willie na magagandang artworks ang mga nakokolektang bote ng alak at sa unang tingin ay walang mag-aakala na ito ang ginagamit niyang canvas.

Image by Willie Marino via Facebook

Makikita sa mga larawang ibinahagi niya sa Facebook na ang mga bote ay mayroong disenyo ng Holy Family, mga kultura at kalikasan.

Pahayag ni Willie sa Facebook, “Bote mo gawin nating art. Accepting po ako ng orders, ako po ay i-mensahe niyo lamang. Recycle bottles ngayon ay puwede nang gawing candle holder. Pang-regalo at pang-paganda ng tahanan.”

Nabanggit pa niya na nagagawa niya ito sa kabila ng pagkakaroon ng diabetes na siyang nagpalabo sa isa niyang mata.

Wika niya, “Kahit malabo na ang isang mata dahil sa diabetes kaya pa rin magpinta, Bote mo gawin nating painted bottle.”

Kagyat namang nag-viral ang kanyang post at marami ang nagpahayag ng paghanga at pagnanais na makabili.

Komento ng isang netizen, “Nice po sir, kapag asenso na sir, apply ako bilang helper para kahit papaano ay kumita.” Saad naman ng iba, “Location po at magkano sir?”

“Galing naman po, awesome and gifted talent.”

“You are blessed. Keep it up. Playing for your fast recovery. God bless you and your family.”

Image by Willie Marino via Facebook

Tunay ngang nakamamangha ang galing at creativity ng mga Pilipino kagaya ni Willie Marino. Marapat lamang na suportahan ang mga local artists para umunlad ang kanilang mga gawa, at makilala sa buong mundo.

Nawa’y dumami pa ang mga mago-order. Panalangin na rin para sa mabilisang paggaling ng artist. Kudos po, ang husay!

Image by Willie Marino via Facebook

Loading…