Boy Abunda solid Kapamilya, magkakaroon ng daily political show

Image by Boy Abunda via Instagram
  • Boy Abunda mananatiling Kapamilya, magkakaroon pa ng daily political show
  • Boy: “Yes, I’m going back to TV. Yes, I’m staying with ABS-CBN”
  • Magkakaroon din siya ng entertainment program na mapapanood sa online platform

Umani ng reaksyon mula sa mga netizens ang pagho-host ni Boy Abunda ng dinner kasama ang mga GMA executives Pebrero ngayong taon dahil isyu na noon ang tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN. Sa kabila ng bulung-bulungang lilipat ito ng network, ang King of Talk ay mananatiling Kapamilya.

Image by Boy Abunda via Instagram

“Yes, I’m going back to TV. Yes, I’m staying with ABS-CBN,” aniya. Nasabi rin nitong magkakaroon siya ng bagong programa na maipalalabas sa ABS-CBN News Channel o ANC.

“The news, I’ll be doing one with ANC. It should be a daily show live, Mondays to Fridays. It’s a political show.”

Maliban dito ay magkakaroon pa siya ng entertainment program na kagaya ng Tonight with Boy Abunda (TWBA) na mapapanood naman sa isang entertainment platform.

Naging kontrobersyal ang dinner na ini-host ni Abunda noong February 21, 2020, dahil sa franchise renewal issue.

“Thank you ama Mr Boy Abunda for hosting the dinner with GMA bosses. Salamat po sa time Ms Lilybeth, Ms Darling, Ms Ruth, Ms. Gigi, Ms Nini and Ms Weng. Aaai.. sarap ng kwentuhan. Yehey and thank you sa mga lady bosses for their time.” ang caption ni Ai Ai Delas Alas sa photo na kuha sa dinner.

Image by Ai Ai Delas Alas via Instagram

Ai Ai Delas Alas denies “network transfer” after Boy Abunda hosts dinner with GMA bosses

Ang naging tugon naman ni Ai Ai noon dito nang tanungin kung lilipat ang TV host ay para sa Comedy Concert Queen ang dinner at pinabulaanang napag-usapan ang pagbabalik ni Abunda sa GMA. “Hindi po, para sa akin po iyan. Siya lang ang host, kwentuhan and thank you na rin from me to GMA.”

Ang pangalan ni Boy Abunda ay sumikat dahil sa tagumpay ng showbiz talk show na The Buzz. Pumatok ang tandem nila ni Kris Aquino.

Image by Boy Abunda via Instagram

Loading…