Bro. Eddie kina Regine, Ogie: “The Lord is the real owner of A2Z Channel 11”

  • “The Lord is the real owner of A2Z Channel 11”
  • Iyan ang tugon ni Bro. Eddie Villanueva sa mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid
  • Nagpasalamat kasi ang mag-asawa sa kanya

Nagbigay ng tugon si Jesus Is Lord Church leader at may-ari ng Zoe Broadcasting Network na si Bro. Eddie Villanueva sa mag-asawang music icons na sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid sa kanilang pasasalamat sa sanib-puwersa ng ABS-CBN at kaniyang TV station; dahilan upang maisilang ang “A2Z Channel 11.”

Sa isang screenshot na ipinakita ng netizen na si Heidy Landrito sa kaniyang Facebook post, ibinahagi niya ang mensahe ni Bro. Eddie para sa mag-asawa.

Imahe mula sa Facebook account ni Heidy Landrito

“Please tell Sis Regine and Bro. Alcasid,  just thank the LORD who is the real owner of A2Z Channel 11 and who loves all human beings that’s why HE demonstrated HIS LOVE for all of us that when we’re still sinners CHRIST JESUS died for us!” ani Bro. Eddie. Si Landrito ay nagtatrabaho para sa JIL Church.

“Mabuhay kayong lahat na nagbibigay ng saya at galak sa mga mamamayang Pilipino!! God bless you more and God bless the Philippines,” dagdag pa niya.

Sa isang Facebook Live, masayang-masayang nagpasalamat sina Regine at Ogie kay Bro. Eddie dahil sa pagpayag nitong maipalabas sa free TV ang ilan sa mga Kapamilya shows, gaya ng ASAP Natin ‘To. Sa katunayan, pinaghandaan talaga nila ang pagbabalik sa free TV sa pamamagitan ng pagpapakita ng world-class performances, na naging makabuluhan naman dahil pinag-usapan ito sa social media platforms gaya ng Twitter.

“We had a great show. It felt like ‘yung mga out of the country natin, it felt like that. I was nervous and excited,” sabi ng Songbird sa kauna-unahang episode ng longest running musical noontime show noong Oktubre 18 na napanood ng live sa free TV channel simula nang magkaroon ng pandemya at mahinto ang mga live shows dahil sa community quarantine.

Public Domain Image

Iyon din ang unang pagkakataong napanood sila ng live sa A2Z Channel 11 upang tapatan naman ang pilot episode ng “Sunday Noontime Live” ng TV5/Brightlight Productions.

Pagbabahagi ni Songbird, noon na lamang daw niya ulit nakitang ngumiti si Cory Vidanes; ang isa sa mga ABS-CBN bosses.

“I just want to say thank you to Bro. Eddie for allowing us to be on Channel 11 A2Z. Hindi ninyo po alam kung gaano kami kasaya lahat. It was my first time to see Tita Cory smiling again. I haven’t seen her smile in a long time,” aniya.

Sa kabila ng partnership sa Zoe, mapapanood pa rin ang mga ABS-CBN shows sa pamamagitan ng cable at satellite TV sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, iWant TFC at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at sa pamamagitan din ng mga cable TV at satellite partners.

Loading…