BSP nagbabala sa ibinebenta ng online sellers na “brilliant uncirculated” P20 coins

Imahe mula sa BSP
  • Nagbabala ang BSP sa ibinebenta online na Brilliant Uncirculated 20-Piso coins
  • Ilang online sellers ang nag-advertise sa Lazada at Shopee sa ibinebentang P20 coins
  • Kasunod ng public advisory ng BSP ay inalis na sa Lazada at Shopee ang mga advertisements ng ibinebentang brilliant uncirculated 20-Piso coins

Naglabas ng warning ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hinggil sa “brilliant uncirculated” P20 coins na ibinebenta ng mga online sellers sa online shopping platforms na Lazada at Shopee.

Screenshots ng advertisement sa Shopee

Sa inilabas na public advisory noong Miyerkules, ika-7 ng Oktubre, sinabi ng BSP na hindi ito nag-issue ng Brilliant Uncirculated 20-Piso coins.

“The Bangko Sentral ng Pilipinas advises the public that it has not issued Brilliant Uncirculated 20-Piso coins. The BSP reminds the public to beware of online sellers advertising Brilliant Uncirculated 20-Piso coins for sale,” saad sa bahagi ng public advisory ng BSP.

Ang 20-Piso New Generation Currency ang itinuturing na legal tender na maaaring gamiting pambayad sa biniling produkto o serbisyo. Inilabas ito sa sirkulasyon upang magamit ng publiko noong Disyembre ng nakaraang taon.

“The 20-Piso New Generation Currency (NGC) circulation coins were released to the public beginning December 2019. As of end-August 2020, 2.09 million pieces of 20-Piso NGC coins amounting to PHP41.85 million are in circulation. These 20-Piso NGC coins are legal tender and may be used as payment for goods and services at face value,” ayon pa sa BSP.

Screenshot ng BSP public advisory

Nagbigay ng pahayag ang Lazada na inalis na nito ang advertisement ng online seller na nagbebenta ng nasabing coins kasunod ng public advisory ng BSP.

“Our team does a daily manual sweep of product listings that violate existing policies and are removed when identified. We will continue to take strong action against sellers found breaching our platform’s terms and conditions,” pahayag ng Lazada.

Maging sa Shopee ay hindi na rin makikita ang patalastas para sa Brilliant Uncirculated 20-Piso coins.

Screenshot ng Lazada at Shopee ads
Source :

BSP, ABS-CBN

Loading…