BTS umani ng batikos sa China dahil sa naging pahayag tungkol sa Korean War

Imahe mula sa Kpop Herald
  • Nabatikos ang BTS ng mga Chinese netizens dahil sa naging pahayag nila tungkol sa Korean War
  • Isa umanong insulto sa kanila ang ginawang talumpati ni RM, ang lider ng BTS
  • Hindi pa naglalabas ng pahayag tungkol dito ang sikat na Kpop group

Nagalit ang mga Chinese netizens sa sikat na K-pop group na BTS dahil sa naging pahayag ng kanilang lider na si RM tungkol sa Korean War.

Sa isang talumpati para tanggapin ang kanilang award, nabanggit kasi ni RM ang bahagi ng mapait na kasaysayan kung saan kinampihan ng Estados Unidos ang South Korea sa digmaang naganap noong 1950 hanggang 1953.

“We will always remember the history of pain that our two nations shared together and the sacrifices of countless men and women,” wika ni RM sa kaniyang acceptance speech para tanggapin ang General James A. Van Fleet Award na ibinigay ng US-based non-profit organization na Korea Society.

Imahe mula sa Asia Times

“As members of the global community, we should build a deeper understanding and solidarity to be happier together,” dagdag pa ng lider ng grupong Kpop para kilalanin ang magandang relasyon ng US at Korea.

Hindi natuwa ang mga Chinese netizens sa binitawang pahayag ni RM bagama’t hindi tuwirang nabanggit dito ang China.

Sa nasabing giyera, magugunitang sumaklolo naman ang China noon sa North Korea na kalaban ng South Korea. Nauwi sa armistice agreement ang kaguluhan subalit walang nilagdaang peace treaty sa pagitan ng dalawang bansang Korea.

Ayon sa mga galit na netizens sa China, kung saan mayroon silang mahigit 5 milyon na followers sa social media, malaking insulto sa kanila ang talumpati ni RM.

Hindi man lang umano inisip ng grupo na marami din ang naging sakripisyo ng China noon sa nasabing digmaan kung saan tinatayang 180,000 Chinese soldiers ang nagbuwis ng buhay.

Imahe mula sa Amino Apps

“Chinese netizens said the band’s totally one-sided attitude to the Korean War hurts their feelings and negates history,” ayon sa pahayagang Global Times.

Naapektuhan din ang ilang brands na ineendorso ng BTS dahil bigla na lang nawala ang kanilang ads sa Chinese social media tulad ng Weibo.

“They should not make any money from China. If you want to make money from Chinese fans you have to consider Chinese feelings,” ayon sa isang galit na netizen.

Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang BTS o maging kanilang management agency na Big Hit Entertainment para sagutin ang kontrobersiya.

Loading…