Buntot ng dagang bukid binabayaran ng P5 kada piraso ng San Luis, Pampanga LGU

Screenshot mula sa News5 video
  • Pampanga LGU naglunsad ng programa kontra sa mga dagang bukid
  • Limang piso kada buntot ng daga ang ibinabayad sa mga residente
  • Buntot lang ang hinihingi ng LGU dahil ang karne ay naibebenta sa halagang P120-P150 kada kilo

Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng San Luis sa Pampanga ang “wanted: Mr. Rat” program kung saan babayaran ng limang piso ang kada buntot ng mga pesteng dagang bukid na sumisira sa mga pananim na palay ng mga magsasaka.

Screenshot mula sa News5 video

Ayon sa Public Information Officer ng San Luis na si Ardee Taruc, umabot na sa 58,666 piraso ng mga buntot ang kanilang nakalap mula sa mga residente. Katumbas ito ng P293,330.

Isang milyong piso ang inilaan ng LGU sa nasabing proyekto para sa 200,000 dagang bukid, na malaking kabawasan sa populasyon ng mga ito. Ibinahagi ni San Luis Mayor Jayson Sagum na bawat dagang bukid ay kayang sumira ng 25 kilo ng palay. Ang bentahan ng palay ay umaabot sa P15 per kilo.

Aabot sa P75,000,000 ang halaga ng palay ang kayang sirain ng 200,000 dagang bukid.

“The P1 million bounty would amount to the eradication of 200,000 rats. If 200,000 rats were killed, and each rat is able to damage 25 kilos of palay, that would mean those 200,000 rats are capable of destroying P75 million worth of palay,” ani  Mayor Sagum.

Ipinaliwanag ng Municipal Agricultural Officer na si Rolando Fronda kung bakit buntot lang ang kailangang ibigay sa munisipyo.

Screenshot mula sa News5 video

Aniya, ang karne ng dagang bukid ay naipagbibili sa halagang mula P120 hanggang P150 kada kilo.

Sinabi naman ng alkalde na siya mismo ay kumakain nito.

‘Cash for Rats’ program ng Marikina, maaaring magdulot ng masamang epekto sa lipunan

Ang Marikina LGU ay naglunsad din ng kaparehong programa. Tinawag itong “Cash for Rats” na ang layunin ay maiwasan ang leptospirosis lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Ang mga ganitong programa, bagama’t may magandang layunin ay posibleng magdulot ng hindi inaasahang problema sa hinaharap. Ito ang tinatawag na “cobra effect.”

Ayon sa isang popular na kwento, ang British Colonial Government ay nagpatupad sa India, na pinamamahalaan nito noon, ng programa upang lipulin ang mga makamandag na cobra sa Delhi. May pabuyang kapalit na ibinibigay sa mga residente na magdadala ng patay na cobra.

Naging matagumpay ang programa dahil kaunti na lang ang nakikitang cobra sa siyudad. Inaasahan na kaunti na lang ang magdadala ng ahas, subalit hindi ito nangyari. Kada buwan ay lalo pang dumarami ang ipiniprisinta ng mga bounty hunter.

Screenshot mula sa Mahatma Das video

Dahil kaunti na lang ang mga nahuhuling cobra, naisip ng mga mamamamayan na mag-alaga ng mga ito upang tuluy-tuloy ang bounty na makukuha nila.

Ginawa ng British Colonial Government ang nararapat – itinigil nito ang programa. Nagbunsod ito ng mas malaking problema kaysa noong una.

Dahil hindi na binabayaran ang mga cobra, pinakawalan ng mga mamamayan sa kalsada ang napakarami nilang mga alaga na wala nang katumbas na pera.

Source :

DWIZ, YouTube, DF Buzz

Loading…