Bureau of Plant Industry head na nag-isyu ng rice import permit kahit harvest season, sinermunan ni Sen. Villar

Screenshot mula sa Senate of the Philippines video
  • Sermon ang inabot ng Bureau of Plant Industry director na si George Culaste sa hearing ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform
  • Pinayagan ni Culaste ang pag-isyu ng rice import permit kahit kasabay ng harvest season ng palay sa bansa
  • Nainis ang senadora nang ikatwiran ni Culaste na wala siyang magagawa para mapigilan ang pag-isyu ng import permit kahit kasagsagan ng anihan

Halatang dismayado si Senator Cynthia Villar sa hepe ng Bureau of Plant Industry (BPI), ahensyang nasa ilalim ng Department of Agriculture, na kanilang ginigisa sa pag-iisyu nito ng rice import permit kasabay ng harvest season ng palay sa bansa.

Screenshot mula sa Senate of the Philippines video

Sermon mula kay Sen. Villar ang inabot ni George Culaste, director ng BPI, nang sabihin niya na hindi niya mapahihinto ang issuance ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearances (SPIC) para sa rice imports kahit sa kasagsagan ng anihan ng palay tuwing buwan ng Marso at Setyembre. Ang tangi lang daw nilang magagawa ay kontrolin iyon.

“During the harvest season—March and September—we manage the issuance of SPIC for rice imports. We control it because we cannot really stop the issuance,” pahayag ni Culaste sa hearing sa Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform.

Ikinainis ng senadora ang sagot ni Culaste. Aniya, puwedeng tumanggi ang BPI na mag-isyu ng import permit “during certain times of the year.”

“That’s your power and if you cannot exercise that power you don’t deserve to head the BPI. You can stop the issuance. Who will question you if you will stop the issuance?” wika ng senadora sa BPI chief.

“Negosyante ako. Walang negosyante ang nagkukwestyon sa gobyerno ‘pag hindi sila nag-i-issue. ‘Wag mo sabihin sa ‘kin ‘yan. ‘Di ka madedemanda diyan. Napakatanga nung trader para idemanda ka dahil hindi ka ng-issue ng import pemit. Walang gagawa nang ganon,” dagdag pa ni Sen. Villar.

Screenshot mula sa Senate of the Philippines video

Dapat ay nasa isipan daw ni Culaste na tulungan ang mga mahihirap na magsasaka ng bansa.

“May rice lang sila ‘pag may harvest season, bakit mo pa sasabayan ng importation?” Itama mo ‘yang strategy mo, huwag kang ganyan. The worst you can ever do to them is to approve the importation of rice during their harvest season,” anang senadora na halatang naiinis na kay Culaste.

At nang igiit ni Culaste, na dating barangay captain, na wala siyang magagawa para matigil ang issuance ng import permit dahil automated iyon ay lalong nagalit ang senadora.

“Ay, Diyos ko, maloloka ako,” ang tanging naibulalas ni Sen. Villar, na humanap na lang ng ibang opisyal ng Department of Agriculture na makakausap.

Screenshot mula sa Senate of the Philippines video

Loading…