CASH AGAD: Puwede nang mag-withdraw sa mga sari-sari store na ginawang ATM

Imahe mula sa BDO Unibank
  • Kung walang bangko o ATM sa inyong komunidad, hindi na kailangang bumiyahe para mag-withdraw
  • Walong libong establisimyento sa buong Pilipinas ang ginawang ATM kung saan maaaring mag-withdraw
  • Hanapin lang ang mga suking tindahan, botika, hardware at iba pa na may CASH AGAD logo

Kailangang mag-withdraw ng pera pero walang malapit na bangko o Automated Teller Machine (ATM) sa inyong lugar?

May solusyon ang BDO Unibank para may CASH AGAD ang mga ATM cardholders na hindi na kailangang bumiyahe at mamasahe patungong bangko na nasa ibang lugar. Tipid na sa pamasahe at oras, iwas COVID-19 pa.

Imahe mula sa BDO Unibank

Hanapin lang ang CASH AGAD logo sa walong libong sari-sari store, botika, hardware, pawnshop at iba pang establisimyento buong Pilipinas para makapag-withdraw ng cash. Maaari ring mag-inquire ng balance.

Tinatanggap sa CASH AGAD outlets ang ATM card na isyu ng kahit anong bangko sa Pilipinas.

Madali lang mag-withdraw. I-abot mo lang sa kahera o tindera ang ATM card at sabihin kung magkano ang gustong i-withdraw. I-aabot naman sa ‘yo ang POS terminal o pinpad kung saan mo ita-type ang PIN. Ikaw lang ang makakakita ng PIN mo.

Abangan ang balance na idi-display sa POS terminal dahil hindi ito nagbibigay ng printout.

May “convenience fee” na ibabawas sa ATM card ng customer sa bawat CASH AGAD transaction. Ang halaga ng ibinabawas sa card ay depende sa lokasyon ng partner agent.

Kapag “within the city” ay P15 hanggang P30 ang convenience fee at kapag “outside the city naman ay P30 hanggang P50. Awtomatiko itong ibabawas sa ATM card kada transaction.

Imahe mula sa BDO Unibank

Kung P5,000 ang withdrawal, P5,030 ang mababawas sa ATM card.

Ang balance inquiry ay walang bayad.

Ang maximum amount na maaaring i-withdraw ay P10,000 kada transaction o depende sa daily limit ng bangko ng customer. Depende rin ito sa limit ng CASH AGAD partner agent.

Para sa iba pang detalye, basahin ang CASH AGAD Customer FAQs.

Imahe mula sa BDO Unibank

Loading…