Catriona, Angel, at Liza mga tunay na “Darna”, ayon kay Iza

  • “Real-life Darna”
  • Iyan ang paglalarawan ni Iza Calzado kina Catriona Gray, Angel Locsin, at Liza Soberano
  • Ibinahagi niya ang isang digital artwork na nagpapakita na nakasuot ng Darna costume ang tatlo

Maituturing daw na tunay na “Darna” sina Catriona Gray, Angel Locsin at Liza Soberano ayon sa mahusay na aktres na si Iza Calzado kaya ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account ang digital artwork na nakasuot ng “Darna costume” ang tatlong binanggit na TV personalities na may malawak na impluwensiya sa lahat.

Makikita sa Instagram post ni Iza ang digital artwork na nilikha ng artist na si Robert Alejandro. Siya ay isang award-winning graphic artist, isang illustrator, pintor, crafter, at maituturing na isa sa mga pundasyon ng Filipino arts and crafts shop na “Papemelroti.”

Imahe mula sa Instagram account ni Iza Calzado

“Standing up for what you believe in and doing good for others are real life super powers. These three women remind us that love and courage are what defines a superhero like Darna and that we all have it inside us,” ayon sa caption ng post ni Iza. Ginamit niya ang hashtags na “#sidarnanakared at #notoredtagging.”

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa mga netizens.

“They are the true to life DARNAS. I so love them. Truly authentic ones hindi iyong pa-cute lamang at pa-awra-awra,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “They are really women with substance and good heart.  Slain queens!”

“Yes, yes! Ito ang kailangan ng mga Pinoy. Mga artistang hindi takot magsalita. Go Catriona, Angel and Liza! Narito lang kami, supoort namin kayo!”

Kamakailan lamang ay naging issue ang pagtawag sa atensyon ng tatlong TV personalities na iwasan ang pakikipag-ugnayan sa mga grupong “makakaliwa”,  gaya umano ng Gabriela.

Public Domain Image

Samantala, si Iza naman ay mapapanood sa teleseryeng “Ang Sa Iyo Ay Akin” ng Kapamilya Channel, na napapanood din sa A2Z Channel 11. Siya rin ay kasapi ng grupong “Aktor” na samahan ng mga artistang nagmamalasakit sa mga kasamahan nila sa industriya.

Loading…