Catriona Gray sinabing humingi ng paumanhin sa kanya si Lt. Gen. Parlade hinggil sa “red-tagging”

Imahe mula sa Instagram account ni Catrriona Gray
  • Gen.Parlade humingi ng paumanhin kay Catriona Gray
  • Sinabi ni Catriona na na-appreciate niya ang ginawa ng AFP official
  • Nilinaw ni Catriona na wala siyang kaugnayan o ginawang proyekto kasama ang grupong Gabriela

Isiniwalat ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na humingi ng paumanhin sa kanya si Lieutenant General Antonio Parlade, Jr., ang commander ng Southern Luzon Command ng Armed Forces of the Philippines (AFP), hinggil sa pagkakadawit ng pangalan niya sa ginawa nitong babala tungkol sa pakikipag-ugnayan sa grupong Gabriela.

Screenshot mula sa ANC video

Tinanggap umano niya ang paghingi ng paumanhin ni Lt. Gen. Parlade.

“Just last night po, General Parlade reached out personally to my team and also to myself to personally apologize for dragging my name into this issue,” sambit ni Catriona sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News Channel.

Na-appreciate daw niya ang ginawa ng opisyal na nagpadala ng pormal na liham para mag-apologize.

“I appreciate that he really reached out because it gave me clarification on my end also from the surprise that I felt. I do appreciate him taking that initiative,” ani Catriona.

Sa kabila ng pagtanggap niya ng paumanhin ng AFP official, sinabi ni Catriona na sa kanyang palagay ay may mas mainam na paraan ng pagbibigay ng babala o payo na sana ay ginawa ni Parlade.

“If there’s an intention to protect, it should be done in a certain way because I feel like the way that it was done did not achieve what he intended to do as he says he intended to do. I feel like it would have been better if it would have been contacted to their camps or to the individual persons. Because as we can see, the way that it all unfolded, he says his intention was to warn, however it makes a lot of concern within the community. So just I feel like it could have been done better,” paliwanag niya.

Screenshot mula sa ANC video

Ang isyu tungkol sa diumano ay red-tagging ay nangyari nang nagbigay ng babala si Parlade kay Liza Soberano at kay Catriona tungkol sa pakikipag-ugnayan sa Gabriela. Ito ay matapos lumahok ni Liza Soberano sa isang webinar na inorganisa ng Gabriela Youth, ang youth arm ng Gabriela.

Binigyang-diin ni Catriona na wala siyang kaugnayan o ginawang proyekto kasama ang Gabriela.

Source :

YouTube, Inquirer

Loading…