“Classmate ko ang anak ko”: Netizen, 36, ipinagmalaking nakatapos ng kolehiyo

Image by Isidra Lectana Baldonaza via Facebook
  • 36-anyos na si Ira Lectana Baldonaza nang maisipang ipagpatuloy ang pag-aaral
  • Hindi siya nagpadaig sa kritisismong kesyo ang tanda-tanda na raw niya
  • Noong 4th year college na ay nagdalantao siya at may kondisyon pa ang anak na kailangang laging ma-breastfeed

Inspirasyon ang dala ng kuwento ng isang netizen na nakapagtapos ng kolehiyo. Nagawa niya umano ito habang kandong-kandong ang kanyang anak sa loob ng klase na pinayagan naman ng paaralan at sinuportahan pa siya.

Pagbabahagi ni Ira Lectana Baldonaza sa Facebook, 36-anyos na siya nang maisipang ipagpatuloy ang pag-aaral sa gitna ng mga kritisismong naririnig na bakit pa siya mag-aaral eh ang tanda-tanda na raw niya.

Image by Isidra Lectana Baldonaza via Facebook

Pero dahil sa kanyang paniniwalang ang edukasyon ay habambuhay na proseso at sa kanyang determinasyong makamit ang pangarap, hindi siya nagpadaig sa naririnig.

Kaya lamang, ani Ira, nagdalantao siya nang fourth year college na. Sa unang semester ng klase siya nanganak at inisip na madali na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral sapagkat iiwan niya ang sanggol sa bahay kapag oras ng klase. Hindi pala ito pupuwede.

Saad nito, G6PD positive ang anak niya at kailangang ma-breastfeed at marami ang bawal. Ayaw rin ng sanggol ang formula milk.

Aniya, “Kaya I have no choice kundi isama anak ko, kasi sa school bawal magdala ng babies but since may G6PD siya, pinayagan ako. Mahirap sobra pero kinaya ko. And that starts na naging classmate ko anak ko.”

Sa loob ng klase ay palagi na niyang kandong ang anak. “Thank you to all teaching and non-teaching staff of COED, sobrang supportive nilang lahat. Thank you for everything and I’m forever grateful.”

Image by Isidra Lectana Baldonaza via Facebook

Umani naman ng papuri ang post na nakalikom na ng nasa 7,900 reaksyon at tinatayang 4,200 pagbabahagi habang ipino-post ito.

Komento ng isa, “Hindi hadlang ang pagkakaroon ng anak para tuparin mo pa rin ang iyong mga pangarap. Kapag may gusto, maraming paraan. Saludo ako sa iyo.”

Iba pang komento, “Nakaka-proud ka po mommy and especially sa lahat ng mga guro mo na very supportive sa baby mo. Nakakatuwa naman sila, sobra.”

Image by Isidra Lectana Baldonaza via Facebook
Source :

Facebook

Loading…