Commuters, uminit ang ulo sa unang araw ng “no beep card, no ride” policy sa EDSA Busway System

Screenshot mula sa ABS-CBN video
  • Uminit ang ulo ng mga pasahero sa unang araw ng implementasyon ng “no beep card, no ride” policy sa EDSA Busway System
  • Marami ang hindi pinasakay ng bus dahil sapat lang na pamasahe ang dalang pera at walang pambili ng beep card
  • Sinabi ni Sec. Tugade na dapat ay libre ang beep card

Umagang-umaga nitong Huwebes, October 1, ay uminit ang ulo ng maraming pasaherong sasakay sa mga bus na pumapasada sa EDSA Busway System dahil sa kalituhang dulot ng unang araw ng pagpapatupad ng “no beep card, no ride” policy.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ipinatupad ang cashless transaction sa EDSA Busway System upang mabawasan ang contact sa pagitan ng mga commuters at service providers para iwas-COVID-19, ngunit maraming pasahero ang “umaray” dahil sa singil sa beep card.

Kailangang bumili ang mga pasahero ng beep card na nagkakahalaga ng P180. Ang P80 ay presyo ng card at ang P100 ay load na magagamit na pamasahe.

Kahit pumila nang matagal, marami ang hindi pinasakay ng bus dahil sapat lang para sa pamasahe ang dalang pera at walang pambayad sa card.

“Hindi na namin alam ‘yan. Tulad ngayon ang pamasahe ko balikan lang wala ako pambili ng Beep card. Haba pa ng pila namin abot hanggang palengke.”

“Magkano ito P180, ang laman P100 lang po. Pano naman ‘yung iba kanina ‘yung nakapila dun ‘yung pera niya kulang ng P20 ayaw pagbigyan, papaano naman ‘yung mga ganun?”

“Nag-e-extra po ako ng labor, ngayon po kukuha po ako ng ayuda ko. Inutang ko sa kasamahan ko sa welder tapos nagulat po ako ngayon na ganito. Nanlambot nga po ako hindi ko alam gagawin ko.”

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Sinabi naman ni DOTr Secretary Art Tugade na dapat ay libre ang beep card.

“Dapat libre lang ang card. We are still under quarantine measures. Workers who have just returned to work are the main users of the rail system and the EDSA Busway,” aniya.

Dapat rin daw na magkaroon ng option ang mga pasahero na mag-load sa beep card ng halagang kailangan lang nila bilang pamasahe.

Imahe mula sa DOTr
Source :

ABS-CBN, Facebook

Loading…