Consumer group pumalag sa  ‘transaction fee’ na sinisingil sa mga online money transfers

Screenshot mula sa You Tube
  • Pinalagan ng grupo ng konsyumer ang paniningil ng transaction fee sa mga money transfers
  • Sa laki daw ng kita ng mga bangko, dapat ay hindi na ito ipinapasa sa publiko
  • Bigla kasing lumobo ang bilang ng online transactions simula noong magkaroon ng pandemya

Ngayong umiiral ang coronavirus pandemic, lalong lumaki ang bilang ng mga online transactions gamit ang mga e-wallet at iba pang mobile platforms tulad ng GCash, Paymaya, Coins at marami pang iba.

Ito ay dahil na rin sa takot ng mga tao na mahawa sa virus kapag laging nasa labas at maraming nakasasalamuhang tao. Bukod dito, malaking convenience sa karamihan ang magbayad nang hindi na kailangang lumabas ng bahay at pumila.

Imahe mula sa Pinterest

Subalit dismayado ang isang consumer group matapos magsimulang maningil ng transaction fee o convenience fee ang ilang online payment platforms at mga bangko sa bawat pagtransfer ng pera mula sa kanilang account patungo sa ibang financial institutions.

Ang bayad sa bawat transaction ay nagkakahalaga ng P10 hanggang P25.

Ayon naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), simula pa noon ay walang sinisingil na bayad ang mga e-wallet tulad ng Gcash at Paymaya subalit mayroon din umano itong mini-maintain na expenses.

Paliwanag ni BSP Managing Director Vicente de Villa III, bago pa man magkaroon ng pandemya ay may plano na ang mga ito na maningil ng bayad.

“Even before the pandemic, mayroon na silang plano to start charging [fees], I think mga January or February. Inurong lang nila dahil dito sa pandemic,” ani De Villa sa ulat ng TV Patrol.

Giit naman ng grupong Laban Konsyumer, hindi  na dapat naninigil ng bayad para sa online transactions dahil mga kliyente naman ang nagbabayad ng internet o load para gamitin ito.

Screenshot mula sa TV Patrol via YT

“Bilyon-bilyon ang profit ng mga bangko. Hindi po siguro ma-justify kung bakit ipapasa pa sa kosnyumer ang gastos na na ‘yan,” ani Atty. Vic Dimagiba, tagapagsalita ng grupo.

Kung kailan naman daw dumami ang gumagamit ng online platform bunsod na rin ng pandemya ay saka naman nagpataw ng bayad ang mga bangko at online platforms.

Base sa ulat ng ABS-CBN News, lumundag ang transaksyon sa PESONet mula sa P51-M lang kada buwan hanggang P268-B average kada buwan sa huling tatlong buwan. Sa Instapay naman ay lumubo rin mula P216-M kada buwan hanggang P135-B average sa huling tatlong buwan.

Loading…