Costumes na ginamit sa “Amaya” teleserye ng GMA kabilang sa ASEAN Traditional Costume Exhibit sa Vietnam

Imahe mula sa NQC
  • Costumes na ginamit sa “Amaya” teleserye ng GMA kasama sa ASEAN Traditional Costume Exhibit
  • Ang costume na ginamit ni Gina Alajar bilang “Dian Lamitan” at ang costume ni Raymond Bagatsing bilang “Datu Bugna” ang idi-display sa National Museum of Vietnamese History
  • Pagkatapos ng exhibit ay idi-display sa Philippine Embassy sa Hanoi ang mga costumes bago ibalik sa Maynila

Napabilang ang traditional costumes na ginamit sa GMA teleserye na “Amaya” sa ASEAN Traditional Costume Exhibit na gaganapin sa National Museum of Vietnamese History sa Hanoi, Vietnam sa ika-23 ng Oktubre.

Imahe mula sa NQC

Ang costume ay isinuot ng beteranang aktres na si Gina Alajar sa ginampanang papel sa historical epic-fiction drama series bilang “Dian Lamitan.” Ang kasuotan ay ginagamit ng mga maharlikang babae mula sa Visayas noong 16th century.

Ang costume ay idi-display sa exhibit kasama ng costume na isinuot ni Raymond Bagatsing sa nasabi ring teleserye sa ginampanang role bilang “Datu Bugna.”

Ayon sa Facebook post ng National Quincentennial Committee (NQC) Republic of the Philippines, ang mga kasuotan na ginamit sa “Amaya” ay ibinase sa mga ilustrasyon ng mga kasuotan na makikita sa Boxer Codex, na tinatawag ding Manila Manuscript, na isinulat noong circa 1590.

Ang mga pahiyas naman na ginamit sa teleserye ay ibinase sa mga gold ornaments na nadiskubre sa iba’t ibang panig ng bansa na ngayon ay naka-display sa Ayala Museum at Museo ng Bangko Sentral.

Screenshot mula sa “Amaya” teleserye ng GMA

Sinabi sa post ng NQC na may kasunduan ang GMA Network at ang National Historical Commission of the Philippines na isama sa exhibit ang  mga costumes at ornaments na ginamit sa “Amaya.”

“The pre-colonial attires were chosen as the Philippine entry to the said ASEAN exhibit in time for the country’s commemoration of the 500th anniversary of the Victory at Mactan, the Philippine part in the first circumnavigation of the world, and other related events in 2021,” ayon sa NQC.

Imahe mula sa Datu Bugna Twitter account

Pagkatapos ng exhibit sa National Museum of Vietnamese History ay idi-display ang costume sa Philippine Embassy sa Hanoi bago ibalik sa Maynila.

Loading…