Couple naging emosyonal habang naghuhukay para sa pinakamamahal na aso

Image by Jenny De Guzman Belleza via Facebook
  • Couple naging emosyonal dahil sumakabilang-buhay ang pinakamamahal na aso
  • Inalala nila ang masasayang karanasan at pagmamahal na ibinigay nila sa aso, at ibinigay ng aso sa kanila
  • Saad ni Jenny Belleza: “Nag-renta kami ng aircon para sa’yo, ngayon sa isang madilim na lugar ka na nakahiga”

Sadyang malapit sa marami sa atin ang ating mga alagang hayop, lalo na ang mga aso. Kalimitan nga ay itinuturing nating mga tunay na miyembro ng pamilya ang mga hayop na kasama sa bahay kaya’t hindi natin mapigilang malungkot sakaling may hindi magandang mangyari sa kanila.

Image by Jenny De Guzman Belleza via Facebook

Naging emosyonal kamakailan si Jenny De Guzman Belleza at ang partner nito makaraang yumao ang kanilang alagang aso na si Stitch. Ibinahagi pa niya ang larawan ng partner habang kandong ang aso, at isa pang larawan habang naghuhukay ang nauna.

Dito, inalala ni Jenny ang mga masasayang alaala sa aso at pagmamahal na ibinigay nila. “Alagang-alaga ka namin Mahal kahit hindi tayo mayaman ay binigay ko ang ulam na gusto mo, kahit itlog lang ang ulam namin ni dadhie mo.”

Saad pa niya, “Nag-renta kami ng aircon para sa’yo, ngayon sa isang madilim na lugar ka na nakahiga.” Masakit, aniya, ang naganap at hindi nila hahayaang basta-basta na lamang itapon ang aso kung saan-saan.

Kung mayroon lamang daw paraan para maibalik ito sa kanila ay gagawin nila sapagkat walang katumbas ang kasiyahang naidulot nito sa kanila.

“Nagtatrabaho kami para sa’yo mahal. Pinagmamalakai ka namin kasi isa kang warrior! Mahal, hinding-hindi ka namin makakalimutan ni Dadhie.”

Image by Jenny De Guzman Belleza via Facebook

Umani ang pangyayari ng reaksyon mula sa mga netizens. Maraming pet lover ang nakauunawa sa sakit ng damdamin nila. Komento ng isa, “Ang hirap maka-move on sa ganyang heartaches Jen. Lagi naman siyang buhay sa alaala at puso n’yo.”

Saad ng isa pa, “Pakatatag ka be, masakit sobra. Naranasan ko ganyan, sobrang hirap.”

Image by Jenny De Guzman Belleza via Facebook

Loading…