COVID-19 cases sa bansa aabot sa 480,000 sa katapusan ng Nobyembre – UP researcher

Imahe mula sa Facebook page ng Lalawigan ng Rizal
  • Tinatayang aabot sa halos kalahating milyon ang COVID-19 cases sa bansa sa katapusan ng Nobyembre
  • Sa pagtataya ni Dr. David ng UP OCTA Research group, aabot ng hanggang 480,000 ang bilang ng mabiktima ng coronavirus sa susunod na buwan
  • Kahit mataas ang total number ng COVID-19 cases, bumababa naman daw ang number ng active cases nito

Itinatayang aabot sa halos kalahating milyon ang magiging biktima ng coronavirus sa bansa sa katapusan ng Nobyembre, ayon sa isang eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

Imahe mula sa CDC

“Right now ‘yung rough estimate…between 450,000 to 480,000 by end of November, total number of cases,” sabi ni Dr. Guido David, miyembro ng UP OCTA Research Group.

Wala naman umanong dapat ipag-alala sa nasabing estimate dahil nakita naman nila na bumababa ang bilang ng active cases ng COVID-19.

“Nakikita naman natin bumababa talaga ang number of active cases. ‘yun ang importante.” Ani Dr. David.

Sa kabila nito, sinabi ni Dr. David na ang bumababang bilang  ng active COVID-19 cases  ay hindi sumasalamin sa tunay na larawan ng health crisis dahil sa ginawa ng Philippine Red Cross na itigil ang coronavirus testing service nito kaugnay ng hindi pagbabayad ng PhilHealth ng halagang halos isang bilyong pisong pagkakautang.

Matatandaang inanunsyo ng Philippine Red Cross dalawang linggo na ang nakaraan na ititigil nito ang pag-testing sa mga overseas Filipino workers, frontliners at mga pasahero sa pantalan at paliparan dahil hindi pa nagbabayad ang PhilHealth ng P930 million na utang.

Imahe mula sa Philippine Red Cross

Noong nakaraang linggo ay nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran ang Philippine Red Cross , subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nababayaran ang utang.

Paliwanag ni Dr. David, bumaba ang mga reported cases ng COVID-19 infection nang matigil ang operasyon ng Philippine Red Cross.

Sa kasalukuyan, October27, ang total confirmed cases ng COVID-19 sa bansa ay 373,144. Ang 328,602 ay nakarekober, at mga sinawimpalad na hindi nakaligtas ay 7,053. Ang total active cases ay 37,489.

Loading…