CSC Comm. Lizada may payo kay Pialago at mga public officials: “Take the higher ground”

Imahe mula sa UNTV/Facebook
  • May payo si Atty. Lizada ng CSC sa mga public officials matapos ang kontrobersiyal na pahayag ni Pialago
  • Dapat ay maging maingat daw ang mga opisyal sa paglalabas ng personal na saloobin sa publiko
  • Hindi umano maihihiwalay ang pagiging public officials sa mga binibitawang salita sa publiko

Matapos ang kontrobersiyal na pahayag ni MMDA Spokesperson at Assistant Secetary Celine Pialago tungkol sa nangyari sa aktibistang si Reina Mae Nasino, may payo si Civil Service (CSC) Commissioner Atty. Aileen Lizada sa mga public officials na katulad nila.

Sa panayam ng TeleRadyo, sinabi ni Lizada na dapat ay maging maingat ang mga opisyal ng gobyerno sa paglalabas ng pahayag sa publiko dahil ang kanilang salita ay repleksiyon ng ahensiyang kanilang pinatatrabahuan.

Imahe mula sa ABS-CBn News

“A public official or employee should avoid any appearance of impropriety affecting the integrity of her office. When people look at you, they look at you as the spokesperson of a certain agency,” ani Lizada.

Lalo pa umano, wika pa ng CSC official, na ang pahayag ni Pialago ay ibinahagi niya sa Facebook account kung saan makikitang nakalagay na siya ay ‘MMDA Spokesperson’.

Magugunitang umani ng batikos ang Facebook post ni Pialago matapos nitong batikusin ang mga nakikisimpatiya sa pagdadalamhati ni Nasino at ang malungkot na sinapit ng kaniyang anak.

Humingi na rin ng paumanhin si Pialago sa kaniyang sinabi na ginawa umanong ‘drama-serye’ ng ilang sumasakay sa isyu ang kaso ni Nasino, subalit nanindigan ang MMDA spokesperson sa iba pa nyang binanggit lalo na ang mahigpit na seguridad  sa aktibista.

Imahe mula sa Twitter

Para kay Lizada, hindi puwedeng sabihin na hiwalay ang pahayag ni Pialago sa posisyon niya bilang tagapagsalita ng isang ahensiya ng pamahalaan. Hindi umano natatapos ang pagiging opisyal ng gobyerno sa oras na tapos na ang trabaho lalo pa’t personal na opinyon ang sinabi ng huli.

“We remain public officials, not only from 8 or 9 to 5. It is a 24-hour duty on our end. So whatever we say, whatever we do, reflects of who we are and our agency as well,” paliwanag ng abogado.

“We take the higher ground here. We are in a better position to see the whole thing and to understand because there are emotions involved,” ayon pa sa CSC official.

Hindi rin umano dapat gamitin ang posisyon para maglabas ng saloobin lalo pa’t hindi naman ito para sa ikagaganda o ikabubuti ng ahensiya kinabibilangan.

Loading…