Dad na nawalan ng trabaho, nagtitinda ng “suman moron” sa kalsada

Image by First Bike Ride via Facebook
  • Amang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya, pagtitinda ng suman ang pinagkakaabalahan ngayon
  • Agaw pansin ang kanyang Filipino-inspired costume habang nagtitinda ng delicacy
  • Dati rati’y bitbit niya ang mga paninda, ngayon ay nakabili na ng bisikleta

Basta’t gusto, may paraan. Mahalaga sa ating mga Pilipino ang pamilya at ating gagawin ang lahat para mabigyan sila ng magandang buhay at hindi magugutom, kinakailangan ng resourcefulness para kagyat na makahanap ng alternatibong pangkabuhayan lalo na ‘yung mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Ito ang katangiang meron si Ian Siangco.

Image by First Bike Ride via Facebook

Agaw-pansin si Ian habang binabagtas ang mga daan sa Manila at Pasay gamit ang kanyang bisikleta dahil sa Filipino-inspired costume na suot kung saan kapansin-pansin ang maraming kulay pula.

Nagtitinda ang ama suman moron, native delicacy ng Leyte at Samar na gawa sa rice flour, peanut butter at milk. Mayroong dalawang flavors ang kanyang paninda – ube at chocolate. Ibinebenta niya ito sa halagang kinse pesos kada piraso.

Aniya sa panayam ng First Bike Ride, kabilang siya sa mga nawalan ng pangkabuhayan dahil sa pandemya. Nag-i-install siya ng mga CCTV pero marami ang nagkansela ng business deals.

Kailangan niyang makahanap ng alternatibong mapagkukunan ng pera kaya’t kinausap ang nakatatandang kapatid na may karinderya para sa pagtitinda ng suman moron. Ang nakatatanda ang bahala sa production samantalang siya naman sa distribution.

Nasabi pa nito na noong nag-uumpisa pa lamang sa negosyo’y binibitbit niya ang kanyang mga paninda at nang nakaipon na’y bumili ng bisikleta na siya ngayong ginagamit yamang mas komportable ito.

“Dati kasi binibitbit ko lang itong mga paninda ko kasi hindi pa ako nakakabili ng bike. Nag-ipon muna ako bago bumili ng bisikleta online.”

Pinangalanang Brent and Brenice ang negosyo, halaw sa pangalan ng dalawang anak ni Ian.

Image by First Bike Ride via Facebook

Maaaring mag-order ng suman moron for delivery sa ama sa pamamagitan ng cellphone numbers 0977-002-7377 at 0951-854-5888 o e-mail: [email protected] Puwede rin sa Facebook. Maaari ring bumili habang siya’y nakasakay sa bisikleta o sa CCP Complex’ Harbor Square tuwing weekends.

Tuloy lang! Anupa’t mapagtatagumpayan natin ang lahat ng ito. Hanap ng alternatibong pangkabuhayan at lakas ng loob lang.

Image by First Bike Ride via Facebook

Loading…