“Daddy loves you”: Mark Zambrano ibinahagi ang sonogram ng anak nila ni Aicelle Santos

Image by Mark Zambrano via Instagram
  • Sports journalist Mark Zambrano, excited na sa pagiging daddy-to-be
  • Ibinahagi ni Mark ang sonogram ng anak nila ni Aicelle Santos at bumuo pa ng liham
  • Hindi pa nare-reveal ng mag-asawa ang gender ng kanilang anak

Excited na sa pagiging daddy si sports journalist Mark Zambrano; sa katunayan ay proud niyang ibinahagi sa social media ang sonogram ng anak nila ng sikat na mang-aawit na si Aicelle Santos at bumuo pa ng liham para sa anak.

Image by Mark Zambrano via Instagram

Anang mamamahayag, kahit hindi pa niya nakikita ang anak ay batid na niya ang pagiging athletic nito dahil sa malakas na pagsipa. Mahal na mahal umano niya anak, higit sa kahit na sinong nakilala niya.

“We haven’t met but I already feel your strong spirit, anak. I haven’t held you in my arms yet but I already know how athletic you will be with your strong kicks.

“Seeing your puffy cheeks and cute little fingers and toes make me want to jump ahead through time so I can hold you and show you all the beautiful things our world still has.

“’Til then, stay strong in there anak. Daddy loves you. More than any love I’ve ever known.”

Habang ipino-post ito ay nag-trending ang update ni Mark at maraming tagahanga at kapamilya ang naghayag ng pagbati.

Image by Mark Zambrano via Instagram

Hunyo ngayong taon nang ibahagi ng mag-asawa ang pagbubuntis ni Aicelle at nakatakda ang kanyang panganganak sa Disyembre. Hindi pa nila nababanggit ang gender ng baby.

The Newlyweds: Broadway diva Aicelle Santos at journalist Mark Zambrano, ikinasal na

Sikreto ang naging kasal ng dalawa Nobyembre noong nakaraang taon yamang nasurpresa ang mamamayan nang ipamalita ng kanilang mga kaibigan at GMA Artist Center na tapos na ang kanilang pag-iisang dibdib.

Naganap ang wedding matapos ang stint ni Aicelle sa musical play na Miss Saigon sa London.

Image by Mark Zambrano via Instagram

Loading…