Dahil kay Baby Summer, Paolo Contis napilitang manood ng ‘Frozen’ imbes na NBA finals

Screenshot mula sa Instagram ni Paolo Contis
  • Viral ngayon sa Instagram ang post ni Paolo Contis kasama ang kaniyang anak
  • Makikita rito ang ‘malungkot’ na aktor at ang masayang si Baby Summer
  • Napilitan kasing manood ng ‘Frozen’ ang aktor imbes na NBA finals

Nag-viral si Paolo Contis nitong Huwebes sa Instagram dahil sa isang larawang magpapatunay kung anong uri ng daddy siya sa kanilang anak ni LJ Reyes na si Baby Summer.

Sa larawang ibinahagi ni Paolo, makikita ang aktor na nakaupo at hawak ang remote control habang katabi ang kaniyang anak na nakangiti at hindi maipagkakailang nag-eenjoy sa kaniyang pinanonood.

Kabaliktaran naman ang reaksiyong masasalamin sa mukha ni Paolo – mistulang malungkot at ‘napipilitan’ lamang.

Imahe mula sa Instagram ni Paolo Contis

Ito pala ay dahil ‘napilitan’ talaga siyang manood ng pelikulang ‘Frozen’ sa halip na ang finals ng National Basketball Association (NBA) sa pagitan ng LA Lakers at Miami Heat.

Ang larawan ni Paolo ay may simpleng caption na “Game 1 ng NBA Finals..!! pero FROZEN ang pinapanood koooo!!!”

Nakantiyawan tuloy siya ng kapwa aktor na si Leandro Munoz. Ani Leandro sa comment section: “Kaya pala mukhang excited ka.”

Sinagot naman ito ni Paolo ng “sobra’ na may kalakip na laughing emoji.

Marami rin ang naka-relate sa Instagram post ni Paolo, na kilala rin sa pagiging komedyante. Marami rin ang natuwa sa kakyutan ni Summer.

Screenshot mula sa Instagram ni Paolo Contis

“Ang cute Ng mag ama! Lodi! Si Summer super cute Ng smile na may halong pang asar sa Daddy nya hahaha!” ayon sa isang follower.

“Hahaha!!! You’re soo funny Daddy Paolo,” komento naman ng isa.

Maging si LJ Reyes ay hindi napigilang mag-comment. Anang aktres “May bully na sayo and you can’t even do anything about it!!! I’m so happyyyy! And by the way that’s her ana dress daw.”

Kaagad nag-viral ang post ni Paolo sa social media. Sa kasalaukuyan ay humakot na ito ng mahigit 41,000 reactions sa Instagram at marami rin ang nagshare ng larawan.

Loading…