Dahil sa pag-alis sa Star Magic? Ronnie, Loisa tanggal sa ‘Bagong Umaga’

Image by Loisa Andalio via Instagram
  • Ronnie Alonte at Loisa Andalio, hindi na kasama sa cast ng seryeng Bagong Umaga
  • Nasabi ni Julia Barretto sa naunang panayam na pawang mga artista ng Star Magic ang ilalagay sa serye
  • Nakalipat na sina Ronnie at Loisa mula Star Magic patungong VIVA Artist Agency

Hindi na kasama sa cast ng pinakabagong serye na Bagong Umaga na ipapalabas sa A2Z Channel 11 sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio; ang pag-alis ba nila sa Star Magic ang dahilan nito?

Image by Loisa Andalio via Instagram

Kapuwa kasi lumipat ang dalawa sa VIVA Artist Agency at nasabi ni Julia Barretto sa kanyang naunang panayam na pawang mga artista ng Star Magic ang ilalagay sa serye.

Matatandaang naunang na-offer kay Julia ang serye na dating may pamagat na Cara Y Cruz pero inulan ng intriga ang biglang pagkatanggal niya rito at bali-balitang basta na lamang siyang umalis nang hindi nakikipag-usap sa production.

Kagaya nina Ronnie at Loisa kasi ay nakalipat na si Julia sa VIVA. Naiintindihan naman umano ng aktres ang pangyayari yamang lumipat siya ng talent management.

Pahayag ng business unit head ng programa kaugnay sa bagong cast, “Baka this is the right casting sa napagdesisyunan.”

Sa ngayon ay sina Heaven Peralejo Tony Labrusca, Barbie Imperial, Yves Flores, Michelle Vito, at Kiko Estrada ang bubuo sa cast ng serye na mapapanood na simula October 26, 2020.

Image by Bagong Umaga via Instagram

Maliban sa A2Z, mapapanood din ang soap sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC at TFC para sa overseas subscriptions.

Kuwento ng Bagong Umaga ang pakikipagsapalaran ng anim na indibidwal sa larangan ng pag-ibig at pamilya; maging kung papaano magsasalubong ang kani-kanilang landas at pagkakaibigan na siyang magbubunsod at panggagalingan ng lakas ng bawat isa.

Panoorin ang teaser ng serye, video mula sa ABS-CBN Entertainment via YouTube:

Loading…