Dapat role model sila: 399 sasakyan ng MMDA hindi nakarehistro sa LTO

Imahe mula sa MMDA
  • Mahigit 75% ng mga sasakyan ng MMDA, hindi nakarehistro sa LTO
  • Sinabi ng COA na dapat maging role model ng publiko ang MMDA sa pagsunod sa mga patakaran ng LTO
  • Nadiskubre din ng COA na anim sa mga sasakyan ng MMDA ay nakarehistro pa sa pangalan ng dating may-ari

Nasermunan ng Commission on Audit (COA) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa paglabag sa transportation rules kasunod ng pagkakadiskubre ng mga state auditors na mahigit sa kalahati ng mga sasakyan nito ay hindi rehistrado sa Land Transportation Office (LTO).

Imahe mula sa Facebook

Sa annual audit report na na-release noong September 30, sinabi ng COA na sa 531 na mga sasakyan, kabilang ang mga motorsiklo, 399 o 75.14% ay hindi nakarehistro sa LTO.  Sa kabuuan, 132 vehicles lang ng ahensya ang may registration papers.

Ayon pa sa COA, ang mga hindi rehistradong sasakyan ay ginagamit ng mga MMDA traffic enforcers.

“As one of the government agencies enforcing traffic laws, the MMDA should act as a role model for the public and strictly follow rules prescribed by the LTO for motor vehicle renewal and registration,” ayon sa audit body.

Ang MMDA ay may mandato na magpatupad ng transport and traffic management, kabilang ang pagpapataw ng multa sa mga unregistered vehicles.

Batay sa ginawang audit, ang MMDA ay gumastos nang hindi kinakailangan dahil sa mga penalties na binayaran nito sa late registration at renewal ng motor vehicles na nagkakahalaga ng P101,237.

Imahe mula sa Top Gear PH

Natuklasan  pa ng COA na anim sa mga sasakyan ng MMDA ay nakarehistro pa sa pangalan ng dating may-ari ng mga ito. Ang tatlo sa mga sasakyan ay mula sa Department of Public Works and Highways at ang tatlo pa ay mula sa transport services company at construction firm.

Kasunod ng audit report, tiniyak ng MMDA management na inaasikaso na ng Transport Unit and Supply Division nito ang pagpaparehistro ng mga nasabing sasakyan at ang transfer of ownership ng anim pang behikulo ay pinoproseso na rin.

Source :

Malaya, ABS-CBN

Loading…