Dating simpleng nangangarap, Voice Kids winner Lyca Gairanod may 1M YouTube subscribers na

Image by Lyca Gairanod via Instagram
  • Lyca Gairanod, may 1-million subscribers na sa YouTube
  • Labis-labis ang pasasalamat niya sa mga tagahanga, pamilya at sa Diyos dahil sa mga tagumpay na nakakamit
  • Nanggaling si Lyca sa mahirap na pamilya pero nagtiwala sa pangarap

Milyonarya na sa bilang ng subscribers sa video-sharing website na YouTube ang mang-aawit na si Lyca Gairanod; ang batang galing sa hirap at minsan ay naging isang dreamer ay pinagpapala ngayon.

Image by Lyca Gairanod via Instagram

Galing si Lyca Gairanod sa simpleng pamumuhay sa Tanza, Cavite. Namumulot sila ng kanyang nanay ng mga bote at lumang pahayagan noon para ibenta. Kumakanta rin siya sa kanilang mga kapitbahay kapalit ng pera at pagkain.

Nabago ito nang dahil sa pagpupursiging makamit ang tagumpay sa pamamagitan ng pagkanta; naging milyonarya (pera) siya nang manalo sa unang season ng The Voice Kids Philippines sa ABS-CBN at nakakuha pa ng recording contract at nag-guest sa maraming Kapamilya shows.

Sa kabila nito, hindi pa rin nakaliligtaan ng mang-aawit ang pasalamatan ang kanyang mga tagahanga, ang pamilya at ang Diyos.

Pahayag ng 15-year-old singer at vlogger, “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng sumusuporta sa akin, sa mga ka-charan ko diyan. Lalong-lalo na sa mga sumusubaybay ng vlogs ko. Kay Lord, maraming-maraming salamat. At sa aking pamilya pati na rin sa mga kaibigan ko, maraming-maraming salamat po.”

Hindi raw niya bibiguin ang isang milyong subscribers sapagkat patuloy umano niyang gagawin ang lahat para mapasaya ang mga ito. “Promise ko po ‘yan sa inyo mga ka-charan.”

Image by Lyca Gairanod via Instagram

Nakiisa rin sa selebrasyon para sa kanyang isang milyong subscribers ang kanyang lola na isa sa mga naging susi sa tagumpay niya bilang vlogger.

Kumanta ang mag-lola ng isang kanta sa Bisaya na labis na ikinasaya ng mga followers.

Komento ng isa, “Kahit Saan ka mang makarating Sa iyong tagumpay, Lyca, Huwag mong Kalimutan ang iyong pinanggalingan. Mga mahal mo Sa buhay, pamilya mo, Lalo na Sa lola mo. God bless you dear! Good luck for your future!”

Panoorin ang vlog ni Lyca:

Loading…