DED contract para sa pinakamahabang tulay sa bansa na mag-uugnay sa Cavite at Bataan, pirmado na

Imahe mula sa DPWH
  • Kontrata para sa design study sa magiging pinakamahabang tulay sa Pilipinas, pirmado na
  • Ang detailed engineering design ay tatagal ng 15 months – mula November 2020 hanggang January 2022
  • Ang tulay na babagtas sa ibabaw ng Manila Bay ay mag-uugnay sa Cavite at Bataan

Isa na namang mega project sa ilalim ng Build, Build, build Program ng Duterte Administration ang umuusad na kasunod ng pagpirma ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ng detailed engineering design (DED) contract para sa tulay na magkokonekta sa Cavite at Bataan na babagtas sa ibabaw ng Manila Bay.

Imahe mula sa DPWH

Ang DED ay ang huling yugto ng engineering projects bago simulan ang aktwal na konstruksyon.

Ang DED para sa Bataan-Cavite Interlink Bridge (BCIB) ay sisimulan sa November 2020 at inaasahang matatapos sa January 2022.

Ang DED contract nagkakahalaga ng mahigit tatlong bilyong piso, samantalang ang budget para sa konstrukyon ng tulay ay mahigit P187 billion.

Sa habang 32.15 kilometers, ang BCIB ang magiging pinakamahabang tulay sa buong Pilipinas kapag natapos ito. Ang tulay ay magkakaroon ng apat na lanes o dalawang lanes sa bawat direksyon. Magsisimula ito sa Barangay Alas-asin sa Mariveles, Bataan at dadaan sa Corregidor Island bago magtapos sa Barangay Timalan, Naic, Cavite.

Malaki ang maitutulong ng BCIB para maibsan ang trapiko sa Metro Manila.

Sa pamamagitan ng BCIB ay hindi na kakailanganing dumaan sa Metro Manila at North Luzon Expressway ang mga motoristang manggagaling sa Southern Luzon patungo sa Bataan at vice versa. Ang dating limang oras na biyahe sa pagitan ng dalawang probinsya ay magiging kalahating oras na lang kapag natapos ang proyekto.

Imahe mula sa DPWH

This Bataan-Cavite Interlink Bridge Project will provide a permanent road linkage between the two provinces in Central Luzon and Southern Tagalog Region in order to reduce the journey time and ease traffic congestion through Metro Manila”, sabi ni Public Works Secretary Mark Villar.

Ang proyekto ay makatutulong din ng malaki sa pag-angat ng ekonomiya ng Cavite at Bataan.

Source :

DPWH, ABS-CBN

Loading…