Defensor hinamon ang PACC na pangalanan ang mga kongresistang sangkot sa kurapsyon sa DPWH

Imahe mula sa Facebook
  • Hinamon ni Rep. Mike Defensor ang PACC na pangalanan ang mga corrupt na kongresista
  • Hindi raw makatarungan ang ‘blanket accusation’ ni PACC Commissioner Belgica
  • Paliwanag naman ni Belgica, hindi pag-atake sa Kongreso bilang institusyon ang kaniyang pahayag

Hinamon ni Anakalusugan Partylist Rep. Michael Defensor ang Presidential Anti-Corruption Commission na pangalanan nito ang mag mambabatas na sangkot umano sa katiwalian sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Nauna nang sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica kamakailan na may nangyayaring kutsabahan sa pagitan ng mga kongresista, project engineers at contractors upang mapagkakitaan ang ilang maanomalyang proyekto.

Image by Mike T. Defensor via Facebook

Subalit hindi naman daw patas ang alegasyon ni Belgica dahil wala namang binanggit na pangalan ang opisyal ng PACC.

“Ang panawagan ko huwag naman blanket accusation. Huwag naman nilalahat dahil unfair din sa institusyon at sa maraming miyembro ng Kongreso, na naniniwala akong hindi naman ganito ang ginagawa,” wika ni Defensor sa panayam ng mga reporters nitong Biyernes.

Kung talaga raw totoo ang akusasyon ni Belgica dapat ay ibulgar nito ang mga pangalang sangkot upang papanagutin.

Imahe mula sa Wikipedia

“If there are really corrupt practices being done and they are saying congressmen or congresswomen are involved, then they should really point to whoever are involved. Ituro na talaga nila at magkaroon nang malalim na pag-aaral,” dagdag pa ng mamababatas.

Nilinaw naman ni Belgica na hindi pag-atake sa Kamara bilang institusyon ang kaniyang pahayag kung hindi upang magsilbing ‘wake up call’ sa mga mambabatas na wakasan na ang sistemang kurakot sa DPWH.

Imahe mula sa facebook

Magugunitang ibinulgar ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na may nasilip silang tig-P1 milyong budget insertions para sa 42 na distrito sa bansa na isiningit lang sa National Expenditures Program o NEP.

Hinala ng senador, talamak ang nangyaring ‘haggling’ sa pagitan ng ilang kongresista at DPWH para lamang makapaglaan ng pondo ang ahensiya sa mga distrito ng mambabatas.

Loading…