Delivery rider iniligtas ang isang kuting mula sa panganib ng kalsada

  • Natuwa ang mga netizens sa isang mabait na delivery rider
  • “Iniligtas” kasi nito ang isang kuting na naglalakad sa gitna ng kalsada
  • Hindi nalaman ng nakasaksi ng akto ng kabutihang ito kung ibinaba ba sa ligtas na lugar ang kuting o tuluyan nang isinama

Sabi nga, ang isang taong may malasakit sa mga hayop ay tiyak na may malasakit din sa kaniyang kapwa.

Isang delivery rider ang itinampok ng isang netizen na nagngangalang “Keena Marie Rafer Martinez” sa kaniyang Facebook post nang mamataan niya itong huminto sa pagmamaneho ng motorsiklo upang sagipin ang isang kuting o kitten na nasa gitna ng kalsada sa Divisoria, Maynila.

Imahe mula sa ABS-CBN News / Public Domain Image

Salaysay ni Martinez, nahirapang makatawid ang kuting dahil sa dami ng mga dumaraang sasakyan. Kaya naman, binitbit ng naturang delivery rider ang hayop.  Dahil mabilis ang mga pangyayari, hindi na niya nalaman kung itinabi  at ibinaba niya ito sa ligtas na lugar o tuluyan nang kinupkop.

Ang kahanga-hangang delivery rider lamang daw ang bukod-tanging huminto upang tulungan ang naturang kuting na maalis sa posibleng panganib na kinaharap nito sa pagtatangkang pagtawid.

“Nakakatuwa ‘yong nakita mo ‘yong hayop na hindi pinabayaan ng tao… Sana all kasimbait ni Kuya,” nasabi na lamang ng netizen.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at papuri mula sa mga netizens.

“Saludo ako sa ‘yo sir dahil hindi lang basta kuting ang binigyan mo ng pagmamahal kundi binigyan mo ng halaga ang buhay na nilikha ng ating Panginoon Diyos,” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “As a cat lover, this is so heartwarming. Thank you Kuya. Sana mas marami pang magmalasakit sa mga strays. Hindi lang naman sila ‘hayop’ lang, mga nilalang rin silang may nararamdaman. Hindi kayo magsisisi if you choose to adopt strays whether be cat or dog. They’ll give you all the love they can offer.”

Public Domain Image

“We can judge the heart of a man by his treatment of animals. Kasi it is so easy to be good to people, but it takes a pure heart to extend that same goodness to animals. Salute to all who are like this Kuya,” wika naman ng isa.

Kung sino at nasaan ka man, Kuya Delivery Rider, saludo kami sa iyo!

Loading…