DENR planong magtayo ng ‘breakwater’ para proteksyonan ang dolomite sand

Imahe mula sa Twitter/ Ogie Rosa
  • Plano ng DENR na magtayo ng breakwater upang hindi maanod ang crushed dolomite
  • Ito ay bukod pa sa nakalagay na mga geotubes sa perimeter ng apektadong lugar
  • Iginiit din dati ng DENR na 10 porsiyento lamang ng crushed dolomite ang naanod ng nagdaang bagyo

Upang hindi tuluyang mawash-out ang dolomite sand, pinag-iisipan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magtayo ng breakwater sa perimeter ng apektadong lugar.

Ito ay bukod pa sa nakalagay nang geotubes na siyang pumipigil umano upang hindi maanod ang dolomite lalo kapag mataaas ang tubig ng dagat o kaya ay malakas ang ulan.

“In addition to the geotubes we placed, the DPWH as we have been informed, to ensure that the beach will be there and it will not be destroyed by the strong current, they plan to put a breakwater in that area, siguro malayo lang sa beach,” paliwanag ni DENR Undersecretary Jonas Leones sa panayam ng ABS-CBN News.

DENR USec. Jonas Leones| Imahe mula sa PNA

“Ang purpose noon is similar to the geotubes, to caution the strong waves or strong waves na papalo doon sa beach area na ‘yun,” ayon pa sa opisyal.

Iginiit din ni Leones na ‘intact’ pa rin ang crushed dolomite sa beach sa kabila ng malakas na alon at ulan dala ng nagdaang bagyong Quinta.

Nauna nang sinabi ng DENR na 10 porsiyento lamang ang na-wash out ng malakas na alon dulot ng bagyo kahit pa lumabas ang mga larawang nagpapakita na nangitim na ang ilang bahagi ng lugar.

Imahe mula sa Twitter / JD (Laurene II)

Paliwanag din dati ni Leones na ‘nawash-in’ ang mga itim na buhangin at ito ang pumapatong ngayon sa puting dolomite.

“May discoloration kasi ‘yong black sand niya pumapatong doon dahil sa lakas ng wave, dinadala ‘yong black sand, ‘yong regular sand, but this is a clean sand naman eh,” ayon sa naunang panayam sa DENR official.

Iginiit din ni Leones na imposibleng ma-wash out ang dolomite dahil protektado ito ng geotubes na nakalagay sa palibot ng beach.

Loading…