DepEd nakiusap sa mga magulang na ‘wag sagutan ang modules ng kanilang anak

Imahe mula sa Facebook-DepEd
  • Magsisimula na sa Lunes ang klase para sa mga pampublikong eskuwelahan sa bansa
  • Nakiusap naman ang DepEd sa mga magulang na ‘wag sagutan ang modules ng kanilang mga anak
  • May paraan umano ang mga guro para malaman kung may naintindihan ang kanilang mga estudyante

Sa Lunes, Oktubre 5, ay magsisimula na ang online classes sa mga pampublikong eskuwelahan kaya tiyak na ito ay panibagong hamon na naman hindi lang sa mga guro at mag-aaral kung hindi pati na rin sa mga magulang.

Ayon kay Education Undersecretary for Legislative Affairs Tonisito Umali, inaasahang aabot sa 22.5 milyong kabataan ang magsisimula ng kanilang klase base na rin sa bilang ng enrollees na nakalap ng DepEd para sa kasalukuyang school year.

Inaasahang madaragdagan pa ang bilang na ito dahil sa pagdagsa ng mga late enrolees sa mga susunod na araw.

Imahe mula sa Facebook

Sa isang online forum, sinabi ni Umali na mahalaga ang magiging papel ng mga magulang para sa bagong anyo ng pag-aaral na ipinatutupad bunsod na rin ng umiiral ng pandemya. Subalit hindi umano ito nangangahulugan na sila ang gagawa ng mga aralin na ibibigay sa kanilang mga anak.

“They are not the ones who should answer the test or the assignment or the children’s chairwork. That is clear,” paliwanag ni Umali.

May paraan umano ang mga paaralan at guro upang malaman kung naintindihan ng kanilang estudyante ang mga itinuturo at kung sila ang sumasagot talaga sa mga modules.

Imahe mula sa Facebook – DepEd Tambayan

“The important thing is, just make sure that the way you guide the children learn,” wika pa ng DepEda official.

Ganunpaman, hinihikayat ni Umali ang mga magulang na patnubayan ang kanilang mga anak para sa kanilang ‘weekly learning plan’.

Sakaling magkaroon umano ng problema ang kanilang mga anak sa paggawa ng mga home-based learning modules, maaari naman silang makipag-ugnayan sa mga guro at paaralan para maayos ito.

Sabi nga sa isang kumakalat na post: “Please do not teach your child to CHEAT just to get high scores. Let them have wrong answers. IT IS OKAY. From that, they will LEARN. Remember, it is better to have wrong answers than have wrongdoings.”

Loading…