DILG, Facebook mag-uusap tungkol sa pagtanggal sa FB pages na konektado sa PNP, AFP

Imahe mula sa PCOO
  • Makikipagpulong ang DILG sa mga kinatawan ng Facebook sa susunod na linggo
  • Tatalakayin sa meeting ang pagtatanggal sa mga Facebook accounts at pages na konektado sa PNP at AFP
  • Umaasa ang DILG na ang meeting ay makatutulong upang masolusyunan ng pamahalaan ang pagkalat ng fake news sa social media

Makikipagharap ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga kinatawan ng Facebook sa susunod na linggo upang talakayin ang ginawang pagtatanggal sa mga Facebook account at pages na konektado sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Imahe mula sa CNNPH

“The Department of the Interior and Local Government will meet with Facebook executives next week to discuss differences arising from the takedown of some PH-based FB pages and accounts without prior consultation and due notice,” saad sa bahagi ng inilabas na statement ng DILG.

Umaasa ang DILG na sa pakikipagpulong nito sa Facebook executives ay makatutulong sa pamahalaan na masolusyunan ang paglaganap ng mga fake news sa social media.

“Interior Secretary Eduardo Año said the meeting will discuss how Facebook uses content-based restrictions. He also expected the two sides to come up with solutions on how social media can help the government fight fake news and disinformation,” ayon sa ahensya.

Sinabi pa umano ng kalihim na ang makatotohanang impormasyon ay makatutulong upang ma-empower ang publiko na makibahagi sa nation-building tulad ng ginagawang aksyon ng gobyerno para makontrol ang COVID-19.

Imahe mula sa One News

Matatandaang inakusahan ng Malacañang ang Facebook ng censorship habang naghain naman ng resolusyon sa senado si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na imbestigahan ang pagtatanggal sa mga nabanggit na social media accounts. Isa umano itong usapin ng pagbibigay-proteksyon sa freedom of speech.

Kinumpirma ng Facebook ang pag-alis ng mga naturang Facebook accounts at pages dahil sa diumano ay “coordinated inauthentic behavior.”

Loading…