DOH naglabas ng alituntunin sa ventilation sa enclosed spaces para iwas-COVID

Imahe mula sa CTVN
  • Naglabas ng guidelines ang DOH hinggil sa tamang bentilasyon sa mga silid o saradong espasyo
  • Ang guidelines ay kaugnay ng ginagawang pag-aaral sa posibilidad na airborne ang COVID-19
  • Isasama ng DOH ang proper ventilation sa “non-pharmaceutical interventions” bilang panlaban sa COVID-19

Wala pa mang resulta sa mga pag-aaral hinggil sa airborne transmission ng COVID-19 ay naglabas na ang Department of Health (DOH) ng mga alituntunin sa tamang paglalagay ng bentilasyon sa indoors o enclosed spaces para maitaboy ang coronavirus.

Imahe mula sa PCOO

“Kahit na wala pa pong conclusion na airborne ang COVID-19 virus, we issued ventilation guidelines para maging gabay natin at mga administrative and engineering controls ng mga closed indoor spaces,” sabi ni Health Undersecretary Rosario Vergeire sa isinagawang virtual press briefing noong Lunes, ika-12 ng Oktubre.

Kabilang sa mga tinukoy niyang enclosed spaces ay ang mga opisina o workplaces, palikuran at mga sasakyang de-aircon.

Ang bagong guidelines ay isasama umano sa ipinatutupad na minimum health standards. Ibibilang ang proper ventilation sa mga “non-pharmaceutical interventions” para labanan ang COVID-19. Ang ibang interbensyon na ginagamit para maiwasan ang pagkahawa sa coronavirus ay ang paghuhugas ng mga kamay, disinfection, pagsusuot ng face mask at physical distancing.

Imahe mula sa NCCEH

Ang pagsasagawa ng mga aktibidad ay inirerekomenda na gawin sa “open spaces,” batay sa DOH Memorandum 0429 na inisyu ni Sec. Francisco Duqe III noong October 8, 2020, at kung hindi ito possible ay dapat buksan ang [pinto at mga bintana ng silid upang makadaloy ang hangin.

“When an activity cannot be moved into an open air setting, opening windows and doors should be put into practice to facilitate the flow of outdoor air into the space when possible,”  saad sa bahagi ng memo.

Binigyang-diin ng DOH na pakaiwasan ang pagtapat sa hangin na nagmumula sa electric fan o airconditioner upang hindi kapitan ng OVID-19 sakaling may coronavirus na dala ang hangin.

Screenshot mula sa YouTube video

Sa mga comfort rooms naman, mainam daw na magkabit ng exhaust fan na hangga’t maaari ay palaging nakabukas.

Source :

Philstar, Abante

Loading…