DOH nilinaw na hindi nila ineendorso ang necklace air purifier bilang pangontra sa virus

Imahe mula sa CNN PH
  • Hindi ineendorso o inirerekomenda ng DOH ang necklace air purifier
  • Mas epektibo pa rin daw ang hand washing at pagsusuot ng face mask
  • Hindi rin umano epektibo ang madalas na fumigation o misting sa loob ng mga bahay

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi nila inirerekomenda o iniendorso ang paggamit ng necklace air purifier dahil sa kawalan pa umano ng patunay na epektibo itong panlaban sa coronavirus.

“The DOH emphasizes that it is not endorsing the use of necklace air purifiers that claim to kill bacteria or viruses, or protect from COVID-19,” pahayag ng DOH.

Imahe mula sa EPA

Bagama’t wala naman daw itong panganib na dulot sa katawan ng tao, mas epektibo pa rin umano ang simpleng handwashing, pagsuot ng mask at social distancing upang maiwasang mahawahan ng virus.

“While these devices do not pose any harm, the DOH currently does not recommend using these devices due to lack of evidence of efficacy,” paglilinaw ng ahensiya.  “Mask wearing, handwashing and physical distancing remain to be our best protection.”

Naglabas din ng babala ang Food and Drugs Administration (FDA) sa mga katulad na produktong ibinebenta at nagsasabing mabisa itong pangontra sa coronavirus.

Maging ang Estados Unidos umano ay nagsagawa na ng crackdown sa mga pekeng produktong ito.

Samantala, kaugnay nito, hindi rin inirerekomenda ng DOH ang madalas na fumigation o misting sa loob ng mga tahanan.

Imahe mula sa AP News

“It can cause harm, it can cause aerosolization of the virus, meaning the virus can stay longer in the air if we use these kinds of technologies—ito pong mga misting and fogging,” paliwanag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ito umano ang dahilan kung bakit maging ang World Health Organization (WHO) ay hindi ito inirerekomendang panlaban sa COVID-19.

“These air purifiers and mist machines that I see placed in rooms and emit smoke, do more harm than good,” ayon sa tagapagsalita ng DOH.

Loading…