DOJ USec Markk Perete nagbitiw na sa tungkulin dahil sa ‘seryoso’ at ‘personal’ na dahilan

Imahe mula sa DOJ
  • Nagresign na sa DOJ si Undersecrtary Markk Perete nitong Huwebes, Oktubre 1
  • Walang binanggit na dahilan si Perete maliban sa ito umano ay ‘serious’ at ‘personal’
  • Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang DOJ tungkol sa pagbibitiw ng abugado

Nagbitiw na sa tungkulin si Department of Justice (DOJ) Undersecretary at Spokesperson Markk Perete nitong Huwebes, ika-1 ng Oktubre.

Hindi naman inilahad ni Perete kung ano ang totoong dahilan ng kaniyang biglaang pag-resign na ikinagulat din ng mga mamamahayag.

Bukod kasi sa hindi inaasahan ay napakaaga rin nitong Huwebes nang ibahagi ni Perete ang kaniyang resignation sa isang viber group ng mga reporter.

DOJ USec Markk Perete| Imahe mula sa ABS-CBN News

“After much thought, I have decided to submit my resignation from the DOJ effective today due to serious reasons,” anang mensahe ni Perete sa mga mamamahayag dakong alas-5:40 ng umaga.

Wala ring binanggit na dahilan ang dating tagapagsalita ng DOJ tungkol sa kaniyang naging hakbang.

“This decision and the reason for it are very personal,” simpleng dugtong nito.

“I would have liked to continue under Secretary Guevarra’s leadership but it would be a disservice to do so at this time,” wika pa ng abogado.

Ipapaalam pa niya umano kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang kaniyang desisyon ngayong araw din. Hindi pa makumpirma kung nakarating na sa kalihim ang resignation ni Perete subalit hindi pa rin naglalabas ng opisyal na pahayag si Guevarra as of posting.

Imahe mula sa Wikipedia

SI Perete ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DOJ noong July 2018 bilang undersecretary, ayon na rin sa rekomendasyon ni Guevarra. Nahirang siyang tagapagasalita ng Justice department makaraan ang ilang buwan.

Dati rin siyang nagsilbi bilang technical assistant na may ranggong assistant secretary for legal affairs sa  the Office of the President.

Kabilang din si Perete sa “Task Force PhilHealth” na nag-iimbestiga sa diumano’y malawakang katiwalian sa loob ng state insurer.

Loading…