DOLE mamimigay ng libreng bike sa mga nais magtrabaho bilang food delivery couriers

Imahe mula sa Straits Times| For illustrative purposes only
  • Mamimigay ng libreng bisikleta ang DOLE para sa mga nais maging food couriers
  • Sisimulan na ang programa sa susunod na Lunes at uumpisahan ito sa Pasig City
  • Maaari lamang magpunta sa mga opisina ng DOLE upang makakuha ng libreng bike ang mga interesado

Mamimigay ng libreng bisikleta ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa mga nis magtrabaho bilang courier ng mga food deliver app at restaurants.

Ibinahagi ito ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa kaniyang panayam sa TeleRadyo nitong Huwebes. Anang kalihim, ito ay bahagi ng programa upang tulungan ang mga walang trabaho ngayong pandemya.

“Magbibigay nga pala kami ng bisikleta sa buong bansa. Itong bisikleta na ibibigay namin sa magnenegosyo ng Grab, ‘yung magdedeliver,” bahagi ni Bello.

Labor Sec. Bello/Imahe mula sa DOLE

Nakausap na umano nila ang ilang mga establisimiyento upang maikpagtulungan sa kanilang initiative.

“Kausap namin ‘yung mga restaurant na within a radius of 1 to 1 and a half kilometers dun na lang sa binigyan namin ng bisikleta ‘yung delivery nila,” dagdag pa ng opisyal.

Para sa mg interesado, maaari lamang magpunta sa opisina ng DOLE upang mabigyan ng bisikleta. Bukod dito, tutulungan din umano silang makausap ang mga restaurant na malapit sa kanilang lugar upang makipag-tie up sa kanila bilang delivery courier.

Nakatakdang ilunsad ang programang ito ng DOLE sa susunod na Lunes at uunahin muna nila ang Lungsod ng Pasig.

Imahe mula sa Straits Times| For illustrative purposes only

Noong Hulyo, gumawa rin ng survey ang DOLE upang malaman kung ilang manggagawa sa bansa ang nangangailangan ng bisikleta bilang transportasyon dahil sa umiiral na pandemya.

“Through the labor unions, we can conduct a survey as to how many workers are in need of bicycles and locally, we can handle the support of the business sector,” pahayag noon ni Bello.

Lumabas din sa naturang survey na maraming pabor na mga workers sa pagkakaroon ng dedicated bike lanes sa mga lungsod sa Metro Manila para na rin sa kanilang kaligtasan.

Loading…