DPWH official na ‘nagpaagaw ng pera’ sa party nahaharap sa kasong graft

Imahe mula sa Nikkei Asian Review
  • ‘Nagpaagaw’ umano ng pera ang isang DPWH official sa kaniyang party
  • Mga P2-M hangggang P3-M daw na pera ang ipinamudmod ng opisyal, ayon sa konsehal
  • Itinanggi naman ng DPWH official ang lahat ng paratang sa kaniya

Isang mataas na opisyal ng DPWH ang sinampahan ng reklamo sa Office of the Ombudsman ng isang konsehal sa Quezon province dahil umano sa ‘partisanship’ at ‘unethical behavior’.

Ang nagsampa ng reklamo ay si Lopez, Quezon councilor Arkie Manuel Yulde laban kay DPWH Region 1 director Ronnel Tan.

Ibinahagi ni Yulde sa kaniyang sinumpaang salaysay na nagpaagaw ng perang nagkakahalaga ng P2-M hanggang P3-M si Tan sa ginanap na pagdiriwang ng kaarawan nito.

Screenshot mula sa You Tube

“The respondent indulged in extravagant or ostentatious display of wealth. During a recent party celebrated by respondent and his wife at their residence in the 4th district of Quezon Province, two mayors had witnessed the respondent brought with him a box filled with cash estimated to be about P2 to 3 million,” bahagi ng konsehal.

Ang pagtitipon umano ay dinaluhan ng ilang alkalde at matataas na opisyal ng probinsiya kabilang na ang maybahay ni Tan na si Quezon Representative Angelina “Helen” Tan.

“Due to his excitement, respondent shouted to the guest, ‘pag-agawan ninyo itong pera,’ then ‘threw the cash in the air’ such that the guest will be fighting over picking up as many cash they can get. The mayors said some guests got P100,000, other got P200,000,” ayon pa sa reklamo ni Yulde.

Ayon sa abogado ni Yulde na si Atty. Alfredo Villamor, bilang isang government official at ‘nagpaagaw’ ng ganun kalaking pera ay mayroon na kaaagad presumption of ill-gotten wealth at dapat itong ipaliwanag ni Tan.

DPWH logo| Imahe mula sa Facebook

“Such ostentatious display of wealth by respondent is surely a grave misconduct committed by a public official,” nasasaad pa sa reklamo.

Maliban dito, mayroon din umanong malaking bahay ang DPWH official sa isang marangyang subdivision sa Quezon City kung saan ang lote ay nagkakahalaga ng P75,000 per square meter.

Sa panayam ng GMA News, itinanggi namang lahat ito ni Tan kabilang na ang pamumudmod ng milyones umano sa party.

Lehitimo daw lahat ang kaniyang ari-arian dahil dati siyang nagtrabaho bilang subcontractor sa isang telecommunications company at hindi rin daw sila namumuhay nang marangya.

Hinala niya, may kinalaman ang mga akusasyon laban sa kaniya sa napababalitang tatakbong gobernador ang kaniyang misis sa Quezon sa darating na halalan.

Loading…