DPWH Sec. Mark Villar, hinarana si misis sa kanilang anibersaryo gamit ang saxophone

Imahe mula sa Instagram account ni Emmeline Aglipay Villar
  • Public Works Sec. Mark Villar, isa palang mahusay na saxophone player
  • Gamit ang saxophone, hinarana ni Sec. Villar ang kanyang misis sa kanilang 6th wedding anniversary
  • “Can’t help Falling in Love” at “A Thousand Years” ang mga piyesang inalay ng kalihim para sa kanyang asawa

Ibang “mukha” ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang nasulyapan ng mga social media users nang ibahagi ng kanyang misis na si Emmeline Aglipay Villar kung paano nila ipinagdiwang ang kanilang 6th wedding anniversary.

Imahe mula sa Instagram account ni Emmeline Aglipay Villar

Isa palang mahusay na saxophone player ang Public Works secretary.

Ipinost ni Mrs. Villar sa Instagram ang isang video habang tinutugtog ng kalihim ang “Can’t help Falling in Love” ni Elvis Presley.

“Some things are meant to be. Take my hand. Take my whole life too. For I can’t help falling in love with you. Thank you for making our anniversary the most memorable yet,” post ni Mrs. Villar sa Instagram.

Matagal na raw na hindi tumutugtog ng saxophone ang asawa kaya talaga raw na nasurpresa siya at tinugtog pa nito ang isa sa mga paborito niyang kanta.

Nagbahagi naman sa Facebook si Sec. Villar ng video habang tinitipa niya sa kanyang instrumento ang “A Thousand Years” ni Christina Perri.

“Serenaded my wife during our wedding anniversary,” post ni Sec. Villar na lubos na nagpaligaya sa kanyang asawa.

“Thank you love. You make me happy everyday but especially last night. You made me cry happy tears,” komento ni Mrs. Villar sa post ng kalihim.

Screenshot mula sa video ni Emmeline Aglipay Villar

Naging masaya naman para sa kanilang dalawa ang mga kaibigan na nagbigay ng mensahe ng pagbati sa kanilang wedding anniversary.

“Wow! Happy anniversary! What a wonderful piece for a lovely wife! What a wonderful effort from a loving husband! God bless you and your family!”

“How sweet and romantic. Priceless gift to a loved one. Happy anniversary to both of you.”

“Your wife is so blessed to have you as her husband..super lucky.”

“How sweet naman ni Sec. Villar. Happy wedding anniversary, sir.”

Imahe mula sa Instagram account ni Emmeline Aglipay Villar

 

Loading…