DPWH Secretary Mark Villar ibinida ang TPLEX, CALAX

  • Ibinida ni DPWH Sec. Mark Villar ang dalawa sa mga pinakabagong Expressways sa Luzon
  • Ito ay ang TPLEX at CALAX
  • Marami sa mga netizens ang nagpahatid ng pagbati sa kaniya at sa kaniyang team

Ibinida ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang pakinabang at convenience na makukuha ng mga biyahero at manlalakbay sa paggamit ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEX at Cavite-Laguna Expressway o CALAX, na matagal na ring nakompleto at bukas na sa publiko.

Makikita sa opisyal na Facebook page ni DPWH Sec. Mark Villar ang kaniyang mga post hinggil dito, na may kaunting videos pa. Aniya, tatlong oras na lamang daw ang biyahe mula Maynila hanggang Baguio kung babaybayin ang TPLEX.

Imahe mula sa Facebook page ni DPWH Sec. Mark Villar

“With the completion of Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway, travel time from Manila to Baguio will only be 3 hours away. #BuildBuildBuild,” ayon sa post ni Villar.

Para naman daw sa CALAX, 45 minuto lamang ang magugugol mula Laguna patungong Maynila.

“When the Cavite-Laguna Expressway is completed, travel time from Laguna to Manila will only be 45 minutes away. #BuildBuildBuild,” aniya.

Umani naman ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens.

“An exceptional alter ego of the President. Keep up the good work sir!” sabi ng isa.

Turan naman ng isa, “KUDOS for the Right Man for the Job! Very youthful yet very visionary! God bless for more progress in our highways Sir Mark Villar!”

“Sec. Mark Villar and team… definitely you’re the greatest builder of roads and bridges! Nobody can dispute that…” saad naman ng isa.

Imahe mula sa Facebook page ni DPWH Sec. Mark Villar

Si Mark Villar ay isang negosyante, na anak nina dating Senador Manny Villar at kasalukuyang senadora na si Cynthia Villar. Minsan din siyang naging kongresista ng Las Pinas City, at noong 2016, sa pag-upo ni Pangulong Duterte ay isa siya sa mga naitalagang miyembro ng Gabinete, na napisil at pinagkatiwalaang pamahalaan ang DPWH.

Loading…