Nag-yes sa shutdown, puwedeng makapasok? Bahay ni Kuya muling magbubukas, audition dinagsa

Image by Pinoy Big Brother ABS-CBN via Facebook | Ogie Diaz via Facebook
  • Audition para sa Pinoy Big Brother Connect, dinagsa ng mga nangangarap mag-artista at manalo ng papremyo
  • Nakapagtala na ng 37,082 audition applications noong Miyerkules ng hapon
  • Nag-post si Ogie Diaz tungkol sa mga auditionee na sumuporta sa pagbasura sa ABS-CBN franchise

Dinagsa ng napakaraming nangangarap na maging artista at manalo ng milyun-milyong papremyo at iba pa ang audition para sa muling pagbubukas ng Bahay ni Kuya. Tatawaging Pinoy Big Brother Connect ang ika-siyam na season (pang-15 overall) at bukas ang audition para sa mga aspiring housemates na may edad 16 hanggang 35. Puwede ba ang mga sumuporta sa ABS-CBN shutdown?

Image by Pinoy Big Brother ABS-CBN via Facebook

Sinabi ni Ogie Diaz kamakailan na maaaring kunin sa loob ang mga gipit na sumuporta sa pagbasura sa prangkisa ng ABS-CBN yamang kailangang magkakaiba ang personalities ng mga nasa loob at puwede ang “makapal ang mukha.”

Aniya “Yung mga nag-o-audition sa PBB, pero me nakaraang post ng ‘yes to shutdown’, pwede rin ha? Iba-ibang attitude naman ng housemates ang hinahanap ni Big Brother. Me isang mabait, isang mahinhin, isang masungit, isang maarte, isang social climber, isang maangas, isang bully, magandang lalake, magandang babae, simple, isang heartthrob.

“Kung maraming sumali na nag-post ng ‘yes to shutdown’, maaaring isa diyan, kunin ni Kuya. Kasi, sa loob ng Big Brother House, kailangan din ng isang ‘makapal ang mukha’.”

Patungkol naman sa audition, ayon sa Pinoy Big Brother ABS-CBN Facebook page nitong Miyerkules alas-tres ng hapon, mayroon nang 37,082 nagpadala ng aplikasyon. Ito’y sa loob lamang ng tatlong araw makaraang buksan ang online audition.

Nagaganap ngayon ang audition sa pamamagitan ng community platform na Kumu. Para makasali, i-download lamang ang Kumu application sa Google Playstore o Apple Appstore at mag-register sa https://app.kumu.ph/Pbbabscbn.

Sunod na i-tap ang Karlito icon at gumawa ng isang minutong clip habang ipinapakilala ang sarili. I-post ito sa Kumu timeline at ilagay ang buong pangalan, edad, lokasyon at hashtag na #PBBkumuaudition. Kokontakin ng account na @pbbabscbn ang mga mapipili para sa next step na gagawin.

Image by Ogie Diaz via Facebook

Mula nang magsimulang umere ang PBB noong 2015 ay marami na rin itong napasikat sa showbiz kagaya nina Kim Chiu, Ejay Falcon, James Reid, Melai Cantiveros, Maymay Entrata at Edward Barbers.

Ang PBB ay franchise mula sa Dutch reality show na Big Brother kung saan ang mga contestants ay tatawing “housemates” na mananatili sa loob ng isang bahay habang patuloy na mino-monitor ng kamera. Boboto ang mga housemates at mamamayan kung sino ang gusto nilang manatili sa loob.

Image by Pinoy Big Brother ABS-CBN via Facebook

Loading…