DTI pinaalalahanan ang mga online selling platform na imbestigahan ang reklamo ng buyers

Imahe mula sa PNA
  • Pinaalalahanan ng DTI ang mga e-commerce platforms na aksiyunan ang mga reklamo ng buyers
  • Ito ay matapos ang sunod-sunod na reklamo ng netizenz na ibinahagi sa social media
  • Sa mga online platforms, ang Lazada at Shopee umano ang may pinakamaraming reklamo

Nitong mga nagdaang araw ay halos sunod-sunod na reklamo ng mga online customer ang nag-viral sa social media na karamihan ay tungkol umano sa panlolokong naranasan nila sa pagbili ng mga gamit.

Kamakailan lamang ay isang netizen ang nagbahagi na dalawang piraso ng kahoy ang kaniyang natanggap sa halip na cellphone na kaniyang inorder sa Lazada.

Imahe mula sa Lazada

Dahil dito, muling pinaalalahanan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga online platforms na dapat ay iniimbestigahan ang mga ganitong reklamo at insidente.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, sinabi ng opisyal na kailangang maging maingat sa pagsuri ang mga e-commerce platforms sa package na ipinadadala ng kanilang mga sellers.

“The platform should also look into saan talaga, anong source ng mga ganiyan na incidents. Is it with them, is it with the personnel that they employ, is it with the logistics sector?” ani Castelo.

Dapat daw ay tingnan agad ang mga reklamo ng customers at bigyan ito ng aksiyon. Kabilang na rin dito ang pagmo-monitor sa kanilang mga deliveries at logistics provider.

Imahe mula sa Shopee

“Bantayan nilang mabuti yung mga tao nila na kung ano ‘yung goods na in-order, ‘yun ang maide-deliver sa customer. [Bantayan din] pati yung kanilang logistics provider that they use,” ayon sa DTI official.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng DTI na ang Shopee at Lazada ang may pinakamaraming reklamo sa kabuuang 13,674 online consumer complaint na natanggap ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) ng DTI.

Ang karaniwang reklamo na natatanggap mula sa online buyers ay may kinalaman sa Price Act (55%), defective products (21.03%), at deceptive, unfair, or unconscionable sales acts or practices (13.86%).

Loading…